Dimples Romana Ikinuwento Na Hindi Naging Madali Ang Buhay Nilang Mag Asawa Noong Nagsisimula Pa Lamang Sa Pagbuo Ng Pamilya

Isa sa mga hinahangaang aktres ngayon sa industriya ng showbiz ay si Dimples Romana, hindi lang dahil sa kanyang pagiging isang mahusay na artista, kundi maging dahil sa pagiging matagumpay niya sa lahat ng mga nagiging desisyon niya sa buhay kagaya na lamang ng mga negosyo at ari-arian na kanyang naipundar.




Ang lahat ng mga tagumpay din na ito ng aktres ay dahil sa pagtutulungan nila ng kanyang asawang si Boyet Ahmee, at ang suporta na ibinibigay nila sa isa’t isa. Samantala, sa kabila ng kaalaman natin ng isang maganda at masaganang buhay na mayroon ngayon si Dimples at kanyang pamilya,

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

ay marami naman sa atin ang hindi nakakaalam na bago sila naging matagumpay ng kanyang asawang si Boyet Ahmee sa buhay ay hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan lalo pa nga’ napakabata pa nila ng sila ay magsimulang bumuo ng pamilya.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Ibinahagi ni Dimples kamakailan lamang sa isang panayam sa kanya ang mga pinagdaanan nilang hirap ng asawa niyang si Boyet ng mabuntis siya nito sa edad na 18 at sila ay magpakasal sa napakabata pa nilang edad.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Ayon nga sa celebrity mom, hindi naging madali ang pinagdaanan nila ng asawa. May mga pagkakataon umano na nakaranas sila ng kaliwa’t kanang panghuhusga noon dahil sa napakabata pa nila ng magpamilya, at ito nga ay galing pa mismo sa mga taong malalapit sa kanila. Dumating din umano sila sa punto ni Boyet na tila napagod na sila sa kanilang relasyon.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

“There was a time that It was really hard for me and Boyet. We went through a mount of criticisms and doubts, coming from left and right Ang pinaka-painful pa, coming from people close to us. But okay, only time will be able to keep up our family.”

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Dagdag pa ng aktres, nagpapasalamat naman siya dahil sa kabila ng napakaraming pagsubok at hirap na pinagdaaanan nila ng asawa niyang si Boyet ay naging matatag silang mag-asawa at mas lalo pa ngang nanaig ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

“Kahit noong dumating kami sa point na ayaw na namin sa isa’t isa. Parang first eight years namin ni Boyet gano’n! Parang we don’t really like each other pero with boyet and I, we were friends kasi before we were lovers. I think the respect as friends never left.”

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Kuwento pa nga ni Dimples, nu’ng panahon na dumating sila sa punto na tila ayaw na nila sa isa’t isa ng kanyang asawa, ay hindi pa rin natinag ang samahan nilang mag-asawa dahil nanatili ang respeto nila sa isa’t isa lalo na nga at nagsimula sila sa pagkakaibigan bago pa man sila nagmahalan.




Naitanong rin kay Dimples kung ano ang sikreto sa pagkakaroon ng matatag na relasyon dahil sa napakahaba ng taon ng pagsasama nila ng kanyang asawa at kung paano niya napalaki ng mabubuti ang kanyang mga anak.

“I think ang sikreto is really just to value family like it is the most important thing. If you want to succeed in life, you have to able to create a balance being a housewife, mom, businesswoman, artist.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *