Dimples Romana May Pasurpresang Bahay Sa Kanilang Kasambahay Na Halos Ilang Taon Ng Naninilbihan Sa Kanila

Sa kanyang latest vlog, ay ibinahagi ng aktres na si Dimples Romana, ang naging surpresa nila ng kanyang asawa para sa kanilang kasambahay na si Ate Vilma. Kung saan para sa mag-asawa ito ay paraan nila ng pagbabalik ng kabutihan at katapatan sa kanilang kasambahay, na talaga namang ilang taon silang pinagsilbihan, at itinuturing siyang pamilya.




Ayon nga sa naging introduction ni Dimples sa kanyang vlog, ang kasambahay nilang si Ate V, ay isa sa itinuturing nilang “biggest blessings in life”, ng kanilang pamilya. At talaga namang pamilya na ang turing niya dito, at pamilya na rin ang turing nito sa kanila.

Image Credit via YouTube

Ibinahagi rin ni Dimples, na 17-taon na nilang kasama si Ate V sa kanilang buhay, ito ay halos magmula pa nga ng sila ay mag-asawa ng kanyang mister na si Boyet.

Image Credit via YouTube

Sa tagal ni Ate V sa kanila, ay talaga namang napatunayan ng mag-asawa kung gaano sila ka-swerte na si Ate V ang kanilang naging kasambahay, ito ay dahil sa hirap o ginhawa, sa kasiyahan man o kalungkutan ay hindi man lang sila iniwan nito.

Image Credit via YouTube

Narito nga ang naging pagpapakilala ni Dimples kay Ate V (published as is):“Itinuring na niya kaming kapamilya at pamilya din naming siya.Kasama namin siya sa kalungkutan, kaguluhan, sa pagpupursige at tagumpay.

Image Credit via YouTube

She has been with us for 17 years, opo, kasing haba na din ng taon ng pag-aasawa naming ni Papa Boyet at ng pamilya naming. Kasama na naming siya nung nagsisimula pa lang kami.

Image Credit via YouTube

Binalikan ng aktres, ang mga panahon kung saan ay napatunayan nila na talagang pamilya ang turing sa kanila ni Ate V ito ay noong mga panahong maliit lamang ang kinikita nilang mag-asawa, at talagang umabot sila sa punto na kinakapos na sila , kung saan ay halos isang buwan in niyang hindi naabutan ng kanyang sahod si ate V.

Image Credit via YouTube

I would always ask her and tell her, pwede na niya kaming iwan dahil nahihirapan na kami to give her salary… “and yet through thick and thin, sa hirap at ginhawa, sa meron at wala, hindi niya kami iniwan.

Image Credit via YouTube

At para nga maibalik sa pinakamamahal nilang kasambahay ang naging pagmamahal, katapatan at kabutihan nito sa kanilang pamilya, para kay Dimples ay ngayon na yung tamang panahon na maiblaik nila rito ang lahat ng ginawa nito para sa kanilang pamilya.

Image Credit via YouTube

Isang surpresa nga ang inihanda ng mag-asawa para kay ate V, kung saan upang hindi ito makahalata, ay sinabi lamang nila rito na may bibilhin silang isang bahay sa townhouse at ito ay kanyang gagawing paupahan at dahil si Ate V ay parte ng kanilang pamilya ay nais nilang hingin ang “approval” o opinion nito, kung maganda ba ang bahay, at dapat nga nila ang bilhin.

Ibinahagi pa ni Dimples na sa tuwing may binibili silang property na mag-asawa, ay talagang pinapa-aprubahan nila ito sa buong pamilya at kabilang na rito si Ate V, kaya naman, napilitan itong sumama.

Sinabi pa nga ng aktres, na ito ang unang pagkakataon na lalabas si Ate V ng tahanan, ito ay matapos ang magkaroon ng community quarantine Makikita sa vlog ni Dimples, na pisinakay nila si Ate V sa kanilang kotse at isinama sa kanilang pupuntahan kung nasaan ang isang bagong bahay, at ito nga ang sinabi nilang bibilhin nilang mag-asawa upang parentahan.

Bawat sulok nga ng bahay,ay nilibot nga nilang tatlo. Hanggang sa makarating sila sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang mga silid nito.Sa naging pagpasok ni ate V sa master’s bedroom, ay talaga namang ikinagulat niya ang kanyang nakita, ito ay dahil may nakadikit sa dingding nito na mga letter balloons na nagsasabing “OO PARA SAYO ITO”, at katabi nito ay ang kanyang standee na nakangiti.

Sa nakitang ito ni Ate V, ay hindi na nga nito napigilan pa ang mapaluha sa sobrang kaligayahan, lalo na ng kumpirmahin sa kanya ni Dimples na para talaga sa kanya ang bahay.

Video Credit: dimples romana/YouTube

Bago naman matapos ang vlog ni Dimples ay nagbahagi rin ito ng mensahe para kay Ate V, kung saan ay inilahad nito kung gaano sila ka-Thankful mag-asawa, dahil sa wakas, ay masusuklian na ng kanilang pamilya ang serbisyo at pagmamalasakit ni Ate V sa kanila, lalo na ang naging pagmamahal nito sa kanyang mga anak.




Mahal na mahal ni Ate V ang mga bata”, saad ni Dimples.

“Punong puno ang puso ko ng pasasalamat sa Diyos, dahil ngayon, maibabalik na naming sa kanya ang lahat ng pagmamahal at taon na ibinuhos niya sa amin”, dagdag pa ng Kapamilya actress.

Eto ang pasasalamat namin sayo ate V. Sana magustuhan mo”, ang sabi pa nga ni Dimples. Ang sorpresa ng mag-asawang Dimple at Boyet kay Ate V, ay isang bagong gawa at yari sa sementong bahay na may moderno at malaking bintana. Ito ay nasa hilera ng mga townhouses na nakatayo isang payapa at maaliwalas na lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *