Dinaan ni Chito Miranda Sa Facebook ang Kaniyang Pagpupugay Sa Asawang Si Neri

Aminin natin, hindi lahat ng kasalan ay nauuwi sa “happy ending.” May mga pagsasama talagang hindi itinadhana na nauuwi sa hiwalayan. Karaniwan sa mga rason ng hiwalayan ay pangloloko at pangangaliwa. Hindi nabibili ang katapatan pero para sa iba ay napakahirap nitong ibigay. Hindi rin minsan nagkakaayos ang mga mag-asawa dahil sa simpleng hindi pagkakaunawaan at dahil na rin sa walang maayos na komunikasyon. Wala rin minsang pag-intindi ang isa’t-isa sa sitwasyon o damdamin ng isa’t-isa kung kaya’t nagkakaroon ng lumot ang kanilang relasyon. Nawawala ang pagmamahal.

Image Courtesy from Chito Miranda Facebook




Pero iba ang pananaw ng bokalista ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda para sa kanyang asawang si Neri Naig Miranda. Dinaan ng romantikong bokalista ang kanyang pagmamahal sa asawa sa social media kung saan nagbahagi siya ng ilang mga tips para sa isang relasyon at ipinagmamalaki na rin ang mga ginagawa ng kanyang asawa para sa kanya.

Image Courtesy from Chito Miranda Facebook

“Huwag kalimutang purihin o magpahayag ng paghanga sa asawa kahit sa maliliit na bagay nitong nagawa.” Buong puso niya ring pinakamalaki sa mundo na asawa niya si Neri. Pero bilang isang pilosopo, sumegway ang bokalista na hindi siya makapaniwala kung bakit siya inasawa ni Neri samantalang hindi naman raw siya ganoon kaguwapo kumpara sa iba. Nagbiro rin siya at sinabing ginayuma niya lamang raw si Neri kung kaya’t naging mag-asawa sila.

Image Courtesy from Chito Miranda Facebook

Sa kaniyang pagpapatuloy, pinagmalaki niya ang kanyang asawa bilang isang taong mas successful sa kanya dahil sa mga lumalago nitong negosyo. Bilang isang asawa naman, malambing raw si Neri at parang bata kung maglambing. Ibang klase rin raw ang pag-aalaga ng ibinigay ni Neri sa kanya at sa kanyang anak. Palagi raw siyang pinagsisilbihan ni Neri lalo na kapag ito ay may gig.

Palagi rin raw siyang pinaalalahan ni Neri na uminom ng kanyang vitamins at ayaw na ayaw raw ng kanyang asawa na nase-stress ang bokalista. Bakas sa post ni Chito ang kaniyang kasiyahan at sinabing hindi niya raw naranasan ang maging malusog at relaxed sa buhay, ngayon lang.

“I’ve always been reckless and aminado ako na gagø ako dati, but Neri never asked me to change. She just gave me a reason na magpakatino kasi ayoko masayang kung ano ang meron kami ngayon.” Bilang pangwakas, inamin ni Chito ang kanyang mga kamalian noong araw at sinabing hindi na niya maaaring gawin ulit iyon para lamang sirain ang napakagandang relasyon nila ni Neri.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *