Dingdong Dantes Isa Ng Ganap Na Lieutenant Commander Ng Philippine Navy

Ang aktor na si Dingdong Dantes ay isa sa gwapo at matitikas na aktor sa industriya ng showbiz. Maliban sa pagpapahalaga bilang isang magaling na aktor, ay isa rin siyang mahusay na TV host ng isang show sa GMA Network.

Photo Credit: marianrivera/Instagram




Nagtamo na rin siya ng mga parangal dahil sa isang pagiging magaling na aktor ng showbiz. Ngunit alam niyo ba na hindi lang basta sa showbiz nagpapakita ng husay ang aktor. Dahil sa labas ng showbiz industry ay isa ding personalidad si Dingdong na nais makapaglingkod sa ating bansa at kababayan. Katunayan, noon ay nakapag lingkod na ang nasabing aktor sa mga kabataan sa National Youth Commision.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Ngayong taon nga ay sinimulan naman ng aktor na si Dingdong Dantes ang buwan ng enero sa pagtahak sa panibagong karera na nadagdag sa kanyang buhay.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Nitong nakaraan lamang buwan ng enero 2020 ay nagbahagi ang asawa ng aktor na si Marian Rivera ng mga larawan ni Dingdong na kung saan ay makikita sa mga larawan ay nakasuot ng puting uniform ng Philippine Navy si Dong.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Ang larawan na ito ay kuha sa “donning of ranks” ceremony sa Philippine Navy Headquarters na kung saan ay proud na proud bilang asawa ang aktres na si Marian Rivera sa panibagong Karangalan na natamo ng kanyang mahal na asawa.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Ngayon ay isa na ngang ganap na Lieutenant Commander ang aktor, at siya na ay si LCDR Jose Sixto Dantes, PN (Res). Sa ginanap rin na seremonyas ay kasama rin ng aktor na si Dingdong ang kanyang co-star sa Descendents of The Sun na si Rocco Nacino na isa rin pa lang Navy Reservist. Hindi rin naman nawala sa nasabing seremonya ang pamilya ni Dingdong, lalo na ang kanyang napakasupportive na asawang si Marian Rivera.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Muli nga namang bumilib at humanga ang marami kay Dingdong dahil sa kabila ng pagiging busy niya bilang aktor ay may nakalaan pa rin siya oras upang makapagtraining at makapaglingkod sa ating bayan.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa panibagong karangalang natamo ni Dingdong: “Alam ko pag reservist dumadaan sa process yan, nag training, then by categories yan, after training nIa, standby muna siLa.

In case of emergency at kulang ang mga active natin sa arm forces, tatawagin ang mga reservist na volunteers para tumulong sila. “Wow Nice couple, even they have already everything… they still make something for achievement”

“Hopefully He will be assigned to be a Captain of a PN Ship, if given the chance…Congratulations Sir! …”
“Welcome to the called service man sir.




Am also a PA reservist. Defend our water and we will secure the land. #INFATRY
Matatandaan pa nga na si Dingdong Dantes ay isang enlisted Marine Reserve Force taong 2006, at taong 2017 naman ng mag renew siya ng kanyang commitment bilang reserve force.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *