DJ Loonyo Nabigyan Na Ng Katuparan Ang Dalawang Bagay Na Pinapangarap Niya Para Sa Kanyang Pamilya

Masayang ibinahagi ng sikat at popular na dance-choreographer at Tik-Toker na si DJ Loonyo na dalawa sa mga bagay na kanyang pinapangarap ibigay sa kanyang pamilya ay kanya na ngang naisakatuparan.




Ayon nga kay DJ Loonyo mula ng mawala sa kanilang pamilya ang kanilang bahay dahil sa naging pagkakautang nila sa naging pagpapagamot noon ng kanyang yumaong ama, ay ginusto na talaga niyang bigyan ng bonggang house and lot ang kanyang pamilya. Isa rin sa dahilan niya, ay dahil simula nga ng mawalan sila ng bahay, ay talagang nagpalipat-lipat sila ng nirerentahang bahay.

Image Credit via Google

Dagdag pa ni DJ Loonyo, hindi naging madali ang pinagdaanan niya at kanyang pamilya mula ng mawalan sila ng bahay at mangupahan dahil nga ang kanyang nanay lamang na nagtatrabaho bilang isang midwife ang mag-isang nagtataguyod sa lahat ng kanilang pangangailangan.

Image Credit via Google

At dahil nga sa kanyang naging pagsusumikap, ngayon nga ay nabigyan na ng katuparan ni DJ Loonyo ang mga bagay na minsan nan gang nawala sa kanilang pamilya. Kung saan nito nga lamang nakaraan, ay kanyang ibinandera sa kanyang Facebook account ang bahay na kanyang ipinapatayo sa lupang kanyang nabili at ganun din ang negosyo na kanyang naipundar na para umano sa kanyang nanay.

Image Credit via Google

“Eto yung naging hugot ko last year at sa awa ng DIYOS, biniyayaan niya ako ng platform at responsibilidad as DJ LOONYO na ngabibigay tuwa at saya simula last year dahil sa mga dance challenges na ginawa ko sa China”, ang naging bahagi nga ng caption ni DJ Loonyo.

Image Credit via Google

Pagpapatuloy pa niya, “Nagkaroon ng maraming biyaya at ito’y inipon ko para makabili ng lupa at makapagpatayo ng bahay para sa pamilya ko. Talagang trabaho kung trabaho kahit na nagkakasakit at patuloy pa din sa pangangarap. “

Ibinahagi rin nga niya na pina-retiro na niya ang kanyang ina sa pagtatrabaho, at para nga may libangan ito ay nagpundar siya ng negosyo para rito na pinagkukunan rin nila ng araw-araw na gastusin.




Pinasalamatan din ni DJ Loonyo ang kanyang kapatid, dahil sa pagtulong at pagsuporta nito sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa upang mas maging maayos at maganda ang kanilang buhay.

Inihayag rin niya sa kanyang naging post, kung gaano niya kamahal ang kanyang nanay at ito nga umano ang isa sa mga naging inspirasyon niya para lalo pa ngang magsumikap sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *