DJ Mo Twister At Partner Niyang Si Angelicopter Nagpakasal Na Sa Bansang Iceland

Masayang ibinahagi ng sikat na si DJ MO o sa tunay na buhay ay si Mohan Gumatay sa kanyang Instagram account nito lamang nakaraan na sila ng kanyang partner na si Angelika Schemeing o mas kilala bilang Angelicopter ay kasal na.




Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni DJ MO ang ilang mga larawan na kuha sa naging pag-iisang dibdib nil ani Angelicopter sa bansang Iceland, kung saan sa nilakip niyang caption nito, ay ikinuwento niya ang hindi birong problema na kinaharap nila para nga matuloy lamang ang pag-iisang dibdib nila.

Photo Credit: djmotwister/Instagram

Ayon kay DJ Mo, ang matagal na nilang plano sa kanilang kasal ay nakansela, ito ay dahil sa hindi naging maganda ang kundisyon ng panahon sa Iceland sa petsa ng kasal nil ani Angelicopter.

Photo Credit: djmotwister/Instagram

“Here’s a tip about getting married in a far away wilderness like Iceland”, ang naging pagsisimula ni DJ Mo sa kanyang IG post.

Photo Credit: djmotwister/Instagram

Dagdag pa niya, “Have not one but two backup plans 😊 for the second time we have been together, things we had to schedule a long time ago were cancelled by weather.”

Photo Credit: djmotwister/Instagram

“We had some extreme weather that made us to have a completely overhaul the entire day. Where we scheduled to have our ceremony,changed due to a summertime snow storm.”

Naging dahilan nga umano ang masamang panahon sa Iceland para mabago kung ano man ang plano nila sa kanilang kasal. At isa na nga sa mga planong ito, ay ang dapat na kasama nila ang kanilang mga anak sa espesyal na selebrasyon na ito sa kanilang buhay.

Ngunit dahil nga sa talagang matindi na ang lamig sa Iceland ay hindi na nila sinama ang kanilang mga anak nang lumipat sila sa ibang lokasyon para lamang matuloy ang kanilang wedding ceremony.

“Angelika’s wedding dress was ripped by the weather and the elements. My clothes drenched. We moved to several locations, the kids nearly froze to [email protected], they had to stay in the hotel cuz they just couldn’t handle the weather any longer.”

Hindi naman inakala ni DJ Mo na sa kabila ng hindi magandang panahon sa Iceland ng araw na ‘yon ng kanilang kasal, ay makakakita sila ng isang lokasyon kung saan ay maganda ang sikat ng araw. Kaya naman para sa kanya ay maituturing niya talaga na ito ay himala.

“Then like a miracle, we found a bright, calm and SUNNY spot wherein it ended up with just the two of us”, ani ni DJ Mo.

Para naman kay DJ Mo ang naging pag-iisang dibdib nila ng asawa na niya ngayon na si Angelicopter ay masasabi niyang napaka-romatiko at kamangha-mangha dahil sa kanilang pinagdaanan matuloy lamang ang kasal.




Sina DJ Mo at Angelicopter ay ikinasal noong ika-15 ng Hunyo ng kasalukuyang taon sa bansang Iceland, habang sila nga ay nagbabakasyon kasama ang kanilang dalawang anak.

Bago ikinasal si DJ Mo at Angelicopter ay mayroon na silang isang anak, samantala, si Angelicopter naman ay may isang anak sa dati nitong kasintahan, na ngayon ay itinuturing na rin ni DJ Mo na parang tunay niyang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *