Dog Shampoo Ang Ginagamit Ng Babaeng Ito Para Sa Kanyang Buhok

Marami pa tayong hindi alam sa mundong ito. Bagama’t malaki na ang pinagbago ng katalinuhan ng sangkatauhan ngayon kumpara noon, may mga bagay pa rin talaga na hindi pa nag aabot ng ating kakayahan.




Ang bawat produkto ay may kanya-kanyang trabaho sa ating buhay. May kani-kaniya itong gamot para mapigilan ang ating buhay at mapaayos ang ating pang araw-araw na gawain. Pero lingid sa ating kaalaman, ang mga produktong akala natin ay para lamang sa isang partikular na bagay ay maaari pa palang magamit sa ibang bagay na talaga namang nakakamangha.

Katulad na lamang ng natuklasan ni Joanna Dy. Ibinahagi ng Saint Roche Premium Organic Dog Shampoo official Facebook page sa social media ang kuwento ni Joanna tungkol sa Saint Rocher na shampoo para sa mga aso. Nagulat ang lahat nang sabihin ni Joanna na ginagamit niya raw ang dog shampoo para sa kanyang buhok noon pang taong 2017.

Ayon kay Joanna, maliit raw ang buhok niya dati dahil naka pixie cut raw ito. Nagtampo raw ang kaniyang buhok kung kaya’t matagal raw itong humaba. Pumunta raw si Joanna sa condominium ng kanyang kasintahan si Robie para mag-workout. Nang siya’y maliligo na, nagtaka siya dahil puro mga shampoo na pang-aso ang nasa loob ng banyo ng kanyang kasintahan at wala siyang makitang shampoo na para sa tao. Tinanong niya si Robie kung bakit ganoon ang laman ng kanyang banyo.

Sa pagkakataong iyon, ipinaliwanag ni Robie na maganda raw ang shampoo na ito para sa buhok ng tao dahil balanced raw ang Ph levels nito at hypoallergenic kung kaya’t ligtas ito gamitin. Sinabi rin ni Robie na kaya nitong ayusin ang isang buhok na hindi ganoon kalusog. Dahil sa sinabi at determinasyon ng kanyang kasintahan, sinubukan niya ang nasabing dog shampoo.

Ayon kay Joanna, naging malambot at mas lumago raw ang kaniyang buhok matapos niyang gamitin ang dog shampoo na ito. Sa loob ng 7 buwan, hindi niya rin raw inaasahang magiging ganun kabilis ang paghaba ng kaniyang buhok. Bagama’t hindi niya naman inienganyo ang lahat na gumamit, sinabi niyang kung maganda raw ang resulta ng dog shampoo sa kanya, hindi malayong mas maganda ito para sa mga aso.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *