Donalyn Bartolome Naging Emosyonal Ng Ipinasilip Ang Kanilang Magandang Tahanan

Sa mga Youtube channel ng ating mga iniidolong mga artista at personalidad, ay talaga namang patok na patok ngayon ang pagpapasilip nila ng kani-kanilang mga tahanan.
At isa nga sa mga artista na ito, ay si Donnalyn Bartolome, na kung saan ay kamakailan lamang ng kanyang ibahagi sa kanyang vlog, ang isang house-tour sa kanilang tahanan.



Si Donnalyn Bartolome ay isang sikat na aktres, singer, songwriter at vlogger sa Pilipinas. Mas lalo pa siyang napansin at nakilala ng publiko, ng isa sa kanyang mga kantang pumatok sa madla at ito ay ang “Kakaibabe”, na unang narinig noong taong 2014.
Image Credit via YouTube
Sa kanya ngang Youtube channel, ay ipinakita ni Donnalyn sa kanyang latest vlog ang kanilang tahanan. Bago simulan ang pag-ikot sa kanilang tahanan, ay ibinahagi ni Donnalyn, na noong una ay hindi niya talaga gusto ang ideya ng house-tour ito ay dahil sa nangangamba siya na baka maka-akit ito ng masasamang loob, tulad ng mga akyat-bahay o magnanakaw.
Image Credit via YouTube
Ibinahagi rin ng aktres-vlogger, na tatlong taon na silang naninirahan ng kanyang pamilya sa bahay na ito, ngunit dahil nasa ibang bansa na ang kanyang buong pamilya at doon na naninirahan ay nagdesisyon na lamang sila na ibenta ito.
Image Credit via YouTube
Sa bungad pa lamang nga pagpasok ng gate ng tahanan ng aktres, ay makikita na ang kanilang garage, kung saan ang lapad nito ay maaaring pagkasyahan ng dalawang sasakyan.
Image Credit via YouTube
Pagdating naman sa “frontdoor”, bago pumasok sa loob ng tahanan ay mapapansin ang “letrang “M” sa pintuan, kung saan ayon sa aktres ito ay ang panimula ng letra ng kanilang totoong apelyido.
Image Credit via YouTube
Isang kakaibang chandelier naman ang makikita sa bahaging living area ng tahanan ng aktres, kung saan ay mapapamangha ang makakakita nito dahil sa napakaganda nitong disenyo.
Image Credit via YouTube
Ilan pa nga sa mga ipinakita ng aktres sa loob ng kanilang tahanan ay ang kanilang kitchen, dining, toilet and bath, terrace, mga kwarto at iba pa.
Image Credit via YouTube
Habang nag-iikot nga at ipinapakita ang iba pang parte ng kanilang bahay, ay walang tigil sa pagpapatawad si Donnalyn, ngunit sa kabila nito ay hindi na rin nito napigilan sa bandang huli ng kanyang video ang maging emosyonal.
Image Credit via YouTube
“Maybe because it’s my first time seeing this house without the kids. I miss them so much… ba-bye na sa bahay na ‘to, thank you, thank you for sheltering us,” ang naging saad nga ni Donnalyn kung bakit siya naging emosyonal.
Image Credit via YouTube
Ipinakita naman ni Donnalyn sa hulihang bahagi ng kanyang video ang ilang mga flashback ng kanyang masasayang moments kasama ang kanyang buong pamilya habang nasa tahanan nila nag iyon sila.



“Actually, this shouldn’t be called a house tour because this was really a home for us,” dagdag pa nga ni Donnalyn.
https://www.youtube.com/watch?time_continue=158&v=uR7Bqzq_dkc
Tunay nga na pag-napamahal na sayo ang isang tahanan, kung saan ay punong-puno na ito ng masayang ala-ala niyo ng iyong pamilya ay tila napakabigat nitong iwanan at pakawalan, at ito nga marahil ang naramdaman ni Donnalyn para sa kanilang tahanan na ngayon ay binebenta na nila. Ano ang masasabi niyo sa house tour vlog ni Donnalyn Bartolome?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *