Ang pag-ibig nga naman ay talagang dumarating lang sa ating buhay sa panahon na hindi natin innaasahan, ganito nga ang naging pagkakakilala ng aktres na si Donita Rose at kanyang boyfriend na si Felson Palad na pareho nga nilang hindi inasahan ang unang pagkakataon na nagkrus ang kanilang landas.
“Just show up”, ito nga ang simpleng aksyon na siyang nagbigay-daan upang mabuo ang kuwento ng pag-iibigan ng 47-taong gulang na dating aktres na si Donita Rose at nobyo niya ngayon na si Felson Palad na 37-taong gulang naman.

Kilala bilang isang aktres at host sa mundo ng showbiz si Donita Rose, ngunit sa kasalukuyan nga ay naninirahan na ito sa Los Angeles, California, kung saan nagtatrabaho naman ito bilang isang chef ng isang malaking restaurant, samantala si Felson naman ay isang professional singer sa retiment home sa US ngunit siya ay dating biology professor at worship leader sa Israel.

Kamakailan nga lamang ay ekslusibong nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal o Pep.ph si Donita sa taped as-live show na PEP Spotlight na umere nga noong ika-17 ng Mayo ng kasalukuyang taon.

Habang ang dating aktres nga na si Donita ay nasa gitna ng panayam ng PEP ay sorpresa nga nitong ipinakilala ang boyfriend nitong si Felson, ito nga ay habang sila ay nasa isang restaurant na may view ng San Clemente beach. Ayon kay Donita ang nasabing lugar ang memorable dating spot nilang magkasintahan.

Samantala, sa kauna-unahan ngang panayam kana Donita at Felson bilang magkasintahan, ay sabay nga na ikinuwento ng dalawa kung paanong sa hindi inaasahang panahon ay nag-krus ang kanilang landas na siya ngang naging simula ng kanilang pag-iibigan.

Kuwento nga ni Donita nagkakilala sila ni Felson noong panahon ng krisis, ito yung time na sarado ang restaurant na kanyang pinagtatrabahuan at naisip nga niya na mag-volunteer sa isang missionary habang wala pa siyang trabaho.
Pagbabahagi naman ni Felson, sa isang Korean restaurant sila nagkita ni Donita, kung saan ito nga umano ang nagbigay ng location kung saan sila magtatagpo ngunit ito pa umano ang nahuli ng halos 40-minuto. Halos hindi naman umano siya makapaniwala at talagang bumilib siya ng una niyang makita sa Donita sapagkat pagdating nga ng dating aktres ay naka-uniform pa ito at walang make-up bakas na wala itong arte sa katawan.
Dagdag pa nga ni Felson, talagang natuwa siya kay Donita ng panahon na iyon dahil nakita nga niya na wala itong karate-arte at napaka-cool pa nito. Pag-amin pa niya, high school pa lamang siya ay celebrity crush na niya si Donita.
“Tuwang-tuwa ako. I thought, ‘This girl is very cool.’ Kahit artista siya, walang arte. Kung ano siya sa TV, iyon siya sa personal.” Nang gabi nga na nagkakakilala sina Felson at Donita, ay hindi nga pinalampas ni Felson ang pagkakataon na makuha ang contact number ng dating aktres na ngayon nga ay chef na sa LA. Sa pagkakaroon nga ng komunikasyon ng dalawa, ay dito na nga nila mas nakilala ang isa’t isa hanggang sa nagkahulugan na sila ng loob na dalawa.