Donnalyn Bartolome Muling Naalala Ang Sakit Na Dulot Ng Break-Up Nila Ng Kanyang Ex Boyfriend

Hindi mapigil ang maging emosyonal ng 26-taong gulang na vlogger na si Donnalyn Bartolome ng buksan na niya ang kahon na ibinalik sa kanya ng kanyang Ex-boyfriend kung saan ang nilalaman nito ay ang mga gamit niya, na minsang naging parte ng kanilang naging “love story.”




Sa latest vlog ni Donnalyn na pinamagatang “ Araw ng Patay Kong Puso”, ay nagdesisyon ang dalaga na buksan na ang kahon na ibinalik sa kanya ng kanyang dating nobyo.

Image Credit via YouTube

Sa naging pagbubukas nga ng actress, singer vlogger na si Donnalyn sa mga kahon, at makita niya ang ilan niyang mga personal na gamit na ibinalik ng kanyang Ex sa kanya, ay hindi na niya napigilan ang maging emosyonal. Ito ay dahil sa muling pina-alala nito, ang napakasakit na “break-up” nila ng kanyang boyfriend na nangyari anim na buwan na ang nakalipas.

Image Credit via YouTube

Ilan nga sa mga kagamitan na makikita na ibinalik kay Donnalyn ng kanyang ex ay ilang mga underwear, at old tube top ng dalaga na sinuot umano niya noong first date nila.

Image Credit via YouTube

Ibinalik rin nito ang hair extension niya, na naiwan niya sa bahay nito, at maging mga sentimental stuff tulad ng party favors na para sa birthday surprise nila sa kaarawan ng kapatid niya ay kasama rin sa mga ibinalik ng kanyang ex, kung kaya naman talagang hindi niya napigil ang sarili na maiiyak.

Image Credit via YouTube

Mapapansin naman sa vlog ni Donnalyn ang pagiging maingat nito na hindi niya maibubulgar kung ano ang pangalan ng kanyang dating nobyo, ito ay dahil sa ayaw niyang magulo pa ang pribadong buhay nito.

Image Credit via YouTube

Inamin rin ng dalaga, na sa kanilang naging halos mag-6 na taon na relasyon, ay talaga namang komplikado ito, dahil sa ito’y “on and off relationship.”

Image Credit via YouTube

Iilan lang din umano sa kanyang mga kaibigan ang nakakaalam ng kanyang naging heartbreak, ito ay dahil sa ayaw na niyang gawin “big deal” pa ito para sa marami lalo na ngayon, na dumaraan tayong lahat sa krisis.

“Everyone is going through something during the pandemic so parang I just didn’t wanna add to it”, ang naging saad nga ng dalaga sa pagsisimula ng kanyang video.




Samantala, kahit masakit pa, at sariwa pa ang sugat sa dalaga ng naging heartbreaks niya, ay nagawa pa rin nitong magbiro sa naging pagbubukas niya ng kahon na naglalaman ng mga gamit niya na binalik ng kanyang ex,

Video Credit: Donna Bartolome/YouTube

at muling nagpa-alala sa kanya ng sakit na dala ng naging hiwalayan nila. “Ang dali niyang buksan! Sana yung relationship namin naging madali din noh?”, ang naging biro nga ng dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *