Doug Kramer Muling Binalikan Ang Nakakakilig Na Kwento Ng Pag-iibigan Nila Ng Asawang Si Cheska Garcia

Sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan, ay napakasarap nga naman balik-balikan ang mga panahon na kung kailan nagsimula ang inyong pagmamahal, at ganito nga ang nararamdaman ni Doug Kramer, sa tuwing iniisip niya ang naging “love story” nila ng asawa niyang si Chesca Garcia.



Kamakailan nga lamang, ay masayang ibinahagi ni Doug sa kanyang Instagram account ang naging love story nila noon ng kanyang asawang si Chesca, at kalakip nito ay ang mga throwback photo nilang dalawa, kung saan ay makikita na noon pa man ay talagang napakalambing na nila sa isa’t isa.
Photo Credit: dougkramer/Instagram
Ngunit sinong mag-aakala na sa pagiging masaya at sweet nila sa mga larawan nila noon, ay nakaranas pala si Doug Kramer na ma-broken hearted sa Chesca noon.
Photo Credit: dougkramer/Instagram
Detalyado ngang ikinuwento ni Doug ang kanilang love story ni Chesca sa kanyang Instagram, at kung paanong ang pagiging broken hearted niya kay Chesca, ay nauwi ngayon sa masaya at matibay na relasyon nila bilang mag-asawa.
Photo Credit: dougkramer/Instagram
“It’s crazy to think, this was taken at our first date, late 2003. But still with lots of her friends beside us. Moreso, here’s a little fact. We met around April but Chesca sort of gave herself some space for several months for personal reason. Avoided me muna, not answering my texts and calls. I was heartbroken. Haha”
Photo Credit: dougkramer/Instagram
Dahil nga sa tila wala ng pag-asa si Doug kay Chesca noon dahil sa naging pag-iwas nito sa kanya, kahit na masakit ay nagsimula siyang mag move-on at sinimulang burahin ang mga larawan ni Chesca sa kanya.
Photo Credit: dougkramer/Instagram
ngunit hindi naman umano akalain ni Doug, na matapos ang ilang buwan na pag-iwas nito sa kanya, at kung kailan handa na siya mag move-on, ay ito mismo ang unang magpaparamdam sa kanya.
Photo Credit: dougkramer/Instagram
“Then suddenly, around August. It’s been months since we spoke. I moved on.” (not really) I painfully deleted her pictures… then suddenly out of the blue, she texted me that she got to watch my Ateneo game on tv. Then afterwards, texted me this, ‘I miss you.”
Photo Credit: dougkramer/Instagram
Tila hindi naman nagbago ang nararamdaman ni Doug para kay Chesca, dahil sa naging pagpaparamdam muli ng aktres sa kanya ay agad siyang nakaramdam ng kilig at dahil dito ay pinili niyang makipagkita muli sa aktres.
“I remember getting so kilig, I left my friends to meet her. Hahahaha! The rest is history.”
Ayon nga kay Doug, sa tuwing binabalikan niya ang naging “love story” nila ni Chesca, ay talaga ang nararamdaman pa rin niya ang parehong kilig na nararamdaman niya noon.
“I know, love is more than an emotion, that it’s a choice, especially as time goes by. But when I reminisce about what happened to us before, our love story, the way I look at you now, our history, I still feel the butterflies in my tummy. I still get kilig with you! I love you @cheskakramer!”



Sa naging pagbabalik-tanaw nga na iti ni Doug sa kilig love story nila ni Chesca, ay talaga namang masasabi natin na noon magpahanggang ngayon, ay hindi nagbabago an pagmamahal nito para sa babaeng kanyang napangasawa.
Ang mag-asawang Cheska Garcia at Doug Kramer ay ikinasal, noong ika-9 ng Oktubre taong 2008. Ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay nabibiyayaan na ng tatlong anak, at ito nga ay sina Clair Kendra, Scarlett Louvelle, at gavin Phoenix.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *