Dr. Vicky Belo Ibinahagi Ang Inspirasyon Na Dahilan Ng Kanyang Tagumpay

Si Dr. Vicki Belo o mas kilalang Victoria “Vicki “Gonzales Belo-Kho, ay isang kilalang dermatologist na pinupuntahan ng mga sikat na celebrity kapag sila ay may ipinapaayos o ipinapa-improve sa kanilang katawan o mukha.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram




Hindi na nga naiiwasan sa panahon natin ngayon na marami sa atin, ang nagpapa-improve ng kanilang mga sarili. Nagparetoke ng ilong, mukha, o ano pa ang parte ng katawan, karamihan sa mga taong ito ay ang mga nakakaranas ng diskriminasyon na nagpapababa ng tingin nila sa kanilang mga sarili.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram

Marami ang sa atin ang hindi nakaka-alam na ang sikat na 63-year-old celebrity doctor na si Vicki Belo, ay isa sa mga taong nakaranas ng Diskriminasyon o pang bubully noong siya ay bata pa, na kung saan ito ang naging inspirasyon niya para maging isang magaling sa cosmetic surgeon at magkaroon ng sarili niyang cosmetics establishments.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram

Sa katatapos lamang na 10th year Anniversary ng It’s Showtime ng ABS-CBN ay isa si Dra. Vicki Belo sa mga naging jurors ng “Magpasikat”.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram

Ang “Magpasikat” performance ng sikat na comedian-actor na si Vice Ganda ay pumukaw sa damdamin ng nakararami ng ang kanyang performance ay tumatalakay sa pagmamahal sa sarili sa pamamagitan ng kanyang hair-story na para sa mga taong may sakit na alopecia.

Ang alopecia ay karamdaman na kung saan ay may mga bahagi sa katawan na hindi tinubuan ng buhok kagaya sa ulo o kaya ay nalalagas ang mga buhok.

Marami sa mga netizens ang natuwa sa pagpapalit ni vice ng kanyang outfits at wigs sa kanyang performance. At sa naging performance ngang iyon ni Vice, at marami sa mga jurors at manonood ang napukaw ang damdamin tungkol sa mga taong may alopecia.

Isa na nga dito si Dra. Vicki na isa sa mga jurors, na habang siya ay nagbibigay ng kanyang komento ukol sa nasabing performance ay naikwento niya na siya ay nakaranas rin ng diskriminasyon at bullying noong siya ay bata pa.

“So when I was a child, I was very fat. I was 5 years old, I weighed a hundred pounds. And I was adopted, ampon po ako ng mga Belo.”
“Iyong mga kids tinutukso ako, ‘Bakit ka pinamigay, dahil pangit ka? Or dahil ang taba mo?’

“I think people don’t understand that the reason I went into beauty is [because] I want to make everyone beautiful. Because when they’re more beautiful, they’re more loved, accepted.” Ayon kay Vicki Belo.




Nasabi din ni Vicki na ang kanyang asawang si Hayden Kho ay isang avid fan ni Vice Ganda for over 20 years, dahil alam nito na isang special at mabuting tao ang comedian-actor.

“You’re an inspiration to a lot of people”, ito ang naging huling pahayag ni Dra. Vicki Belo bago niya tinapos ang kanyang komento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *