Drew Arellano At Iya Villania Ikinuwento Kung Paano Nagsimula Ang Kanilang Matamis Na Pag-iibigan

Ang ating kwento ng pag-ibig ay may kanya-kanyang kwento bago matatagpuan ang kabiyak ng ating puso. May ilan na nagsisimula sa pagkakaibigan, may hindi inaasahang pagtatagpo ngunit mayroon din naman na isang tao na maaaring naging tulay sa pag-iibigan ng dalawang tao.

Photo Credit:drewarellano/Instagram




Ngunit sino nga ba ang mag-aakala na ang pagiging tulay sa pagitan ng dalawang taong nagliligawan ay mauuwi sa pag-iibigan ng tulay at ng nililigawan. Ganito nga ang naging umpisa ng pag-iibigan ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania.

Photo Credit:drewarellano/Instagram

Isang pag-iibigan na may kakaibang kwento dahil sa nakakaaliw na simula na nauwi sa tunay na pag-iibigan. Sa isang show ng GMA Network na “Kapuso Love Stories”, muling binalikan ng mag-asawang si Iya Villania at Drew Arellano kung paanong nagsimula ang kwento ng kanilang pag-iibigan at kung sino nga ba sa kanilang dalawa ang unang nagpakita ng nararamdaman.

Photo Credit:drewarellano/Instagram

Ayon kay Iya hindi ang kanyang asawa ngayon na si Drew ang talagang nanliligaw sa kanya noon, tulay o bridge lang umano ito ng kaibigan nito na nais manligaw sa kanya. Kwento pa niya, una pa lang ay si Drew na ang type o gusto niya. Hanggang umabot nga sa punto na si Drew na nagsisilbing tulay at tumutulong lamang sana sa panliligaw ng kaibigan nito ay nahulog na rin ang loob sa kanya.

Photo Credit:drewarellano/Instagram

“He was supposed to help a friend out. Kasi nakita nila, nakita ng friend niya na close kami ni Drew. And so what was supposed to be the bridge…. Ewan ko kung narealized niya na type niya ako, but alam ko na type ko siya.” Ang naging pahayag ng Chika Minute anchor.
Dagdag pa ni Iyah, “Actually hindi ko siya niligawan, pero parang mas ako ang naghahabol sa kanya. Wow!”

Photo Credit:drewarellano/Instagram

Sa naging panayam ngang ito ay inamin ng Chika Minute anchor na sa kanilang dalawa ng kanyang asawa na si Drew ay siya ang naghabol dito noong mga panahon na hindi pa sila mag-asawa.

Para naman sa mga mag-asawa ay ibinahagi ni Drew kung ano ang sikreto nila ng kanyang asawang si Iya sa pagkakaroon nila ng long lasting relationships. “Communication is key. Being truthful, being clear.” Ayon kay Drew ito ang mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay napapanatili nilang mag-asawa ang pagkakaroon nila ng matatag na relasyon.




Bago naman natapos ang panayam sa mag-asawa ay nagpahayag sila ng Valentines message para sa isa’t isa na kung saan ay naging emosyonal si Iya sa mensahe para sa asawa ng kanyang sinabi kung gaano siya ka Lucky na si Drew ang kanyang napangasawa at kung gaano niya ito kamahal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *