Drew Arellano Hinahamon Umano Ng Asawang Si Iya Villania Na Magkaroon Pa Ng Isang Anak

“Guys, hinahamon talaga ako nito eh. Nang aano si mrs. eh! Nak ng! Ano?? Isa pang Anak??? Ano!? Kainis eh! #raww!”, ang nakakaloka ngang caption ni Drew Arellano sa kanyang IG post.




Pakiramdam nga ng Kapuso TV host na si Drew Arellano, ay ‘hinahamon”, siya ng kanyang asawang si Iya Villania, na magkaroon muli ng anak.

Photo Credit: drewarellano/Instagram

Paano ba naman, sa kabila ng tatlo na ang anak na iniluwal ni Iya, ay hindi naman mahahalata sa katawan nito na isa na itong mommy. Dahil sa talagang napakaseksi, at napaka-fresh pa rin nito.

Photo Credit: drewarellano/Instagram

Sa Instagram account ng Kapuso biyahero Drew Arellano, ang latest photo ng kanyang misis na si Iya Villania, na kuha habang ito ay nakatutok sa harap ng computer, at abala sa kanyang trabaho habang nasa loob ng kanilang tahanan.

Photo Credit: drewarellano/Instagram

Makikita nga sa larawan na ito ni Iya, na napakaseksi nito, at walang bakas na ito ay may tatlo ng anak, kaya naman hindi nakapagtataka, na maakit at muli siyang hangaan ng kanyang asawang si Drew.

Photo Credit: drewarellano/Instagram

Kinaaliwan nga ng mga netizens, ang paandar na post ni Drew para sa kanyang misis, na kahit tatlong beses nan gang nagluwal ng sanggol, ay seksing-seksi pa rin.

Photo Credit: drewarellano/Instagram

Ang post ngang ito ni Drew, ay umani ng napakaraming likes at comments, mula sa kanyang mga IG followers. Maging ilang mga kaibigang celebrity ng mag-asawa ay napa-comment din, tulad na lamang nina Bianca Gonzales, at Rayver Cruz.

Photo Credit: drewarellano/Instagram

Sa comment section ay makikita rin ang naging komento ng kaibigan at co-host ni Iya sa morning talkshow na “Mars, Pa More” na si Camille Prats, kung saan ay sinabi nito na, “Nang aano ka talaga mas, eh!”

Hindi nga naman ito ang unang pagkakataon na tinukso ni Drew Arellano ang misis niyang si Iya, tungkol sa pagkakaroon muli ng anak, dahil matatandaan na noong mga nakaraang linggo lamang, matapos magpagupit ni Iya ng ‘super short hair’ ay isang panunukso na post rin ang naging caption ni Drew sa larawan ng kanyang misis.




“Well, I guess she wants another baby”, ang caption ni Drew, ng magpa-super short hait cut si Iya.

Ikinasal sina Iya Villania at Drew Arellano noong taong 2014. At sa kanilang 6-taong pagsasama bilang mag-asawa, ay nabiyayaan na sila ng tatlong mga anak, at ito ay sina Primo, Leon at Alana.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *