Drew Arellano May Panibagong Hirit Sa Asawang Si Iya Villania Na Talaga Naman Naging Bentang-Benta Sa Mga Netizens

Ang mag-asawang Drew Arellano At Iya Villania, ang isa sa mga celebrity couple ngayon na talaga namang hinahangaan ng marami ang pagsasama. Ito ay dahil sa tila napaka-cool at napaka-smooth lang lagi ng relasyon nilang dalawang mag-asawa.




Samantala, nito nga lamang nakaraan ay muling nagpalitan ng mensahe sa isa’t isa ang mag-asawang Drew at Iya, na talaga namang nagbigay good vibes na mga netizens, at naging mabenta pa sa kanila.

Photo Credit: iyavillania/Instagram

Nito ngang araw ng Sabado, ay binati ni Iya Villania ang pinakamamahal niyang asawang si Drew Arellano sa ika-41 taong gulang na kaarawan nito, sa pamamagitan nga ng pagbibigay mensahe niya sa kanyang IG account para sa asawa.

Photo Credit: iyavillania/Instagram

Makikita nga sa IG ni Iya, ang naging pagbabahagi niya ng family photo nila, kabilang na nga sa mga ito ang mga larawan ni Drew habang kyut na kyut na nakikipag bonding sa kanilang mga anak.

Kalakip naman nito, ay ang naging caption ni Iya na;
“Lucky to have you, just not so lucky when you lleave a mess”, ang naging panimula ngang mensahe ni Iya.

Photo Credit: iyavillania/Instagram

“But I’ve got to give it to you, you do always bring dirty plate to the sink. Always thankful for you even if I don’t say it”, dagdag pa nito. “Hope you enjoyed your day, yesterday, love! Happy Birthday! I love you!” ani Iya sa kanyang mensahe para sa asawang si Drew.

Photo Credit: iyavillania/Instagram

Ikinaloka naman ng mga netizens ang naging sagot na komento ni Drew sa pagbating ito ni Iya sa kanya. Sa comment box nga ay makikita ang naging sagot na mensahe ni Drew na;
“Uy uy uy. Maliligo na ako! Wohoooooo!”

Photo Credit: iyavillania/Instagram

Sina Drew Arellano at Iya Villania ay ikinasal noong ika-31 ng Enero 2014 sa Nasugbu, Batangas, kaya naman ang pagsasama nila bilang mag-asawa ay nasa higit 6-taon na. Ngunit bago ikasal ang dalawa, ay 10-taon muna umanong naging magkasintahan ang dalawa.

Photo Credit: iyavillania/Instagram




Ang 6-taon ngang pagsasama ng mag-asawa, ay biniyayaan na ng tatlong supling, at ito nga ay ang dalawang anak nilang lalaki, na sina Primo at Alonzo, at ang nag-iisang anak nilang babae na si Alana Lauren, na ilang buwan pa lamang na ipinapanganak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *