Isa sa mga pinag-uusapan ngayon at naging agaw-pansin sa social media ay ang magkasintahang si Cindy at Yano. Si Yano o Mariano G. ay isang Aeta samantala ang kanyang kasintahang si Cindirella Salilican o Cindy ay isa namang napakagandang Manila girl.
Ayon sa mga ulat, isang katutubong Aeta si Yano, at nakilala niya Manila girl na si Cindy ng maka-duet niya ang dalaga sa kanyang TikTok, kung saan ang kanila ngang bidyu na ito ay nag-viral. At dahil sa naging pagba-viral ng kanilang TikTok bidyu ay mas nagkaroon ng komunikasyon ang dalawa, hanggang sa mahulog ang damdamin nila sa isa’t isa.

Kamakailan lamang ay nakapanayam ang magkasintahan sa programang Stories of Hope, at sa panayam nga na ito sa kanila ay pinatunayan nina Cindy at Yano na kailanman ay hindi masusukat sa kulay o anyo ang pag-iibigan ng dalawang taong nagmamahalan.

Ikinuwento ng magkasintahan sa Stories of Hope kung paano nagsimula ang kanilang pagmamahalan, na ayon nga kay Yano ay hindi naging madali ang panliligaw niya kay Cindy. Ikinuwento naman ng dalaga kung paano siya niligawan ni Yano, kung saan ay bumabyahe pa ito ng malayo mula Pampangga patungong Maynila para ligawan siya.

“Noong nanliligaw pa lamang po si Yano, talagang masipag po siya, kahit malayo po yung Maynila sa Pampangga. Talagang sinisikap niya po na pumunta sa amin and then nagkakadevelopan na nga po kami. Doon ko na po siya nag-start na sagutin”, ang naging saad ni Cindy.

Ibinahagi naman ni Yano kung gaano siya kasaya ng sagutin siya ni Cindy at pumayag nga ito na maging nobya niya, ito nga ay dahil hindi niya inakala na isang napakagandang dalaga ang kanyang magiging karelasyon.
“Sobrang saya ko po nu’ng napasagot ko siya. Sobrang natuwa ko na yung bituin parang nasungkit kong ganyan. Masaya kasi sa aming katutubo madalang lang po ang makapag-asawa ng maganda kasi kadalasan yung amin pong katutubo, ang nagiging asawa namin ay kapwa namin katutubo, hindi po yung kagaya nila”, ani Yano.
Sa kabila naman ng kaligayahan ng dalawa sa relasyon na mayroon sila, ay aminado sila na marami pa rin ang duda sa relasyon at pagmamahal nila sa isa’t isa, at ang iba nga ay kinukutya pa sila at tinatawag na beauty at beast.
Para naman kana Cindy at Yano, hindi nila kinakailangan patulan ang mga taong ayaw maniwala sa kanila at kinukutya sila, dahil ang tanging mahalaga para sa kanila ay tunay ang pagmamahal nila sa isa’t isa.