Dumagsa Ang Tulong Sa Matandang Ito Matapos Lokohin Ng Isang Costumer At Magtrending Sa Social Media

May mga pangyayari sa ating buhay na susubok talaga sa tatag ng ating pasensya at ng ating pagiging makatao. Ang mga pangyayaring ito, na madalas ay hindi kanais-nais, ay siyang nagbibigay ng aral sa atin. Kadalasan, ang mga karanasang ding ito ang nagpapatibay sa ating pananampalataya at pagpapalawak ng ating pang-unawa sa ating kapwa. Mabuti na lamang at may mga tao talagang malawig ang pang-unawa sa kabila ng kasamaang ginagawa sa kanila ng ibang tao.




Isa na rito si Lolo Solomon Alfanta na nitong nakaraan lamang ay nag-viral sa social media kasama ang kanyang asawang si Lola Luciferia matapos umanong makatanggap ng bayad sa kanilang panindang saging ng pekeng pera. Sa post ni An Ge Lie sa kaniyang Facebook account, ibinahagi niya ang kalunos-lunos na nangyari sa dalawang kawawang matanda matapos silang makatanggap ng pekeng pera bilang bayad sa tinda nilagang saging.

Nakatanggap ang asawa ng pekeng P1000 nang may bumili sa kanila ng P100 halaga ng saging. Samakatuwid, maliban sa saging na nakuha, nakakupit pa ang kawatan ng P900 mula sa dalawang matanda.

At dahil sa post ni An Ge Lie, marami ang nag-abot ng tulong kina Lolo Solomon bilang pakunswelo sa nawalang pera sa kanila. Sa edad na 76 na taong gulang at sa 50 taong pagbebenta ng saging, hindi raw lubos akalain ni Lolo Solomon na makakatanggap raw siya ng tulong mula sa mga taong hindi niya kilala. Dahil dito, mas minabuti niyang magpasalamat sa taong nagbayad ng pekeng pera sa kaniya.

Dahil raw sa kanya kung bakit nakatanggap sila ng tulong ngayon na hindi lamang sakto sa kanilang pangangailangan kundi sobra pa. Sa katunayan, nagugulat na lamang raw si Lolo Solomon sa mga bumibili sa kanya dahil nang minsang may bumili sa kanya ng saging sa halagang P100, inabutan raw ito ng P500 piso at hindi na kinuha ang sukli.

Huli na rin raw nang malaman ni Lolo Solomon na nag-viral pala ang kanyang kwento sa social media. Todo naman ang kanyang pasasalamat sa mga netizen na tumulong sa kanya dahil sa pera ng kanilang ibinigay, makakapagpacheck-up na raw siya dahil may sakit siya sa puso. Ang mga sobrang pera naman ay ilalaan niya para sa pang araw-araw nila ng gastusin sa bahay.

“Blessing in disguise” ang nangyari kay Lolo Solomon at sa kanyang asawa. Patunay lamang ito na ang bawat pangyayari ay may kapalit na karma: mabuting karma at masamang karma.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *