Ear-Piercing Ng Aktres Na Si Kathryn Bernardo Nakakamangha Ang Presyo

Lahat tayo ay may kanya-kanyang kinahihiligan. May mga bagay tayo na nais nating gawin sa ating katawan, ang iba sa mga ito ay nagbibigay kahulugan sa ating pagkatao. Katulad na lamang ng pagpapatotoo na talagang marami sa atin ang ginagawa ito at ang iba ay kinahiligan na ang pagpapalagay ng tatoo sa kanilang katawan.

Photo Credit: bernardokath/Instagram




Ngunit isa sa mga kinahihiligan ngayon at talagang kinaaaliwan ng iba ay ang pag ear-piercing, na maging ang ating mga kilalang celebrity ay ginagawa at kinaaliwan na rin ito. Iba-iba ang disenyo at presyo ng ear-piercing, ito ay nakadepende sa klase at kalidad nito.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Isa sa mga kilalang aktres ngayon ang kinagigiliwan at ibinilang sa kanyang mga koleksyon ng ear-piercing at ito ay si Kathryn Bernardo. Noon pa man ay mahilig na umano ang nasabing aktres sa mga ear-piercing, at ngayon nga ay nangongolekta na siya ng mga ito.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Sa isang larawan ng aktres ay ibinida niya ang kanyang bagong ear-piercing na di umano’y mula pa sa bansang Dubai na talagang hinahangaan ng mga netizens dahil sa ganda nito. Ang larawan na ito ng aktres ay talagang nagbigay muli ng ingay sa online world dahil sa naturang halaga ng ear-piercing nito.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Nakakalula at nakamamangha nga naman talaga ang presyon ng ear-piercing na ito ng aktres, dahil ayon sa pahayag ng Metro Style ang ear-piercing na ito ni Kathryn Bernardo na mula sa Maria Tash Bubai ay talagang mamahalin at nagkakahalaga ng Php 300,000.

Matatandaan nga na noong nakaraang buwan ng Enero, sa kanyang Youtube Channel na “Everyday Kath” ay ipinakita din ng aktres sa kanyang mga tagahanga at subscribers ang pagpapakabit niya ng bago niyang ear-piercing.

Sa naging panayam sa aktres, ay ibinahagi nito na siya ay nagpapalagay ng bagong ear-piercing sa tuwing siya ay may nakakamit na tagumpay sa kanyang buhay. Kaya naman ang ear-piercing para sa aktes ay sumisimbolo ng bawat tagumpay na kanyang makakamtan.




Para nga sa mga ordinaryong mamamayan at mga tagahanga ng aktres ay talagang nakamamangha ang presyo ng ear-piercing na ito ng aktres, kaya naman marami ang mga netizens ang talagang nalula sa presyo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *