Eat Bulaga Itinigil Muna Ang Pagpapasok Ng Live-audience

Nitong March 9, 2020, araw ng Lunes ay in anunsyo ng Kapuso Network noontime show na “Eat Bulaga” na pansamantala mung itinigil ng kanilang programa ang pagpasok ng mga tao na nais manood ng live sa kanila.

Image Credit via Google




Alam naman nating lahat na ngayon ay isa na ang ating bansa sa mayroong kumpirmadong kaso na may mga nagpositibo na sa Covid-19, at ilang mga lugar na sa ating bansa lalo na sa NCR ang may positibong kaso nito.

Image Credit via Google

Kaya naman, isa sa napagdesisyunan ng GMA-7 at TAPE Inc’s. noontime show, ay ang pansamantalang hindi pagpasok ng mga live-audience sa mga show, upang ingatan ang kaligtasan ng lahat sa kumakalat na Covid-19 virus.

Narito naman ang kabuuang detalye ng naging pahayag ng noontime show na “Eat Bulaga”;
“In view of Covid-19 outbreak in the Philippines, which has place the country in a state of public health emergency.

The management of Eat Bulaga has decided to temporarily suspend the admission of live studio audience in the airing of it’s show, to help prevent the the spread of the virus, and to ensure the healthy and safety of it’s talent, staff, crew and member of it’s audience.”

“Please understand that this decision was made after extensive and careful consideration in order to cooperate in government efforts to contain the spread of COVID-19.”
“Araw-araw pa rin po kaming maghahatid ng isang-libo’t isang tuwa sa inyong mga tahanan.”

“Ingat po tayong lahat, Dabarkads!” Nagsimula ang pagpapatigil sa pagpasok ng mga live-audience ng Eat Bulaga show noong March 9, kung saan ay nakakapanibago ang loob ng studio dahil wala kang maririnig na ingay at tawanan na magmumula sa mga manonood na dapat ay naroon.




Sa episode ng show na “Bawal Judgement” na ang guest player nila ay aktres na si Bianca Umali, ay makikita ang mga upuan sa studio na walang katao-tao, ngunit magkaganoon man ay tuloy pa rin ang paghahatid ng kasiyahan ng nasabing show para sa lahat ng mga manonood na nasa tahanan.

Sa kanilang Twitter account naman, ay nagbahagi rin ng mensahe ang Eat Bulaga para sa kanilang mga manonood. “Wala po munang audience sa APT, pero tuloy pa rin ang paghatid namin ng isang libo’t isang tuwa! Sit back and relaks lang muna kayo sa inyong mga bahay Happy Monday!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *