Edu Manzano At Cherry Pie Picache Ibinahagi Na May ‘Selos Factor’ Pa Din Sa Kanilang Relasyon

Marami ang kinilig ng isapubliko nina Cherry Pie Picache at Edu Manzano ang pagkakaroon nila ng relasyon. Muli ngang nagkalapit ang dalawa ng magsama sa proyektong ‘Marry Me, Marry You’ ng Kapamilya network.




Samantala, kung kakamustahin natin ngayon ang relasyon ng dalawa, ay nanatili ngang maayos ang kanilang pagsasama. Ngunit, marami nga ang nagtatanong, kung sa edad ba nina Edu at Cherry Pie ngayon, ay mayroon pa rin bang ‘selos factor’ sa relasyon nila.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Ang sagot ka nga sa katanungan na ito ay mapapanood sa pinakabagong vlog na ini-upload ni Luis Manzano sa anyang YouTube channel na mayroong titulong “PIEDU LOVE STORY UPDATE (May pinagdadaanan?). Si Luiz ay kilalang host-actor sa mundo ng showbiz, at siya ay anak ni Edu Manzano sa dating partner na si Vilma Santos.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Mapapanood sa naturang vlog na tinanong ni Luis ang magkarelasyon na sina Edu at Cherry Pie kung may ganap na ba ng selosan sa relasyon ng dalawa. Sa tanong na ito ni Luis, ay ang unang sumagot ay ang ama niyang si Edu, kung saan ay pabiro nga nitong sinabi na sa angkin niyang ‘charm’ ay sigurado na may pinagseselosan umano umano si Cherry Pie.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

“Well, siyempre. Hindi mo rin maalis sa akin iyon, e. Bagamat hindi ako gwapo, charming naman”, pabirong saad ni Edu. Kasunod naman na tinanong ni Luis ukol sa selos factor ay ang aktres na si Cherry Pie.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

“Tita Pie, si Daddy na nagselos kamakailan?”, ang naging tanong ni Luis sa aktres.
Bago naman ang nagin pagsagot ni Cherry Pie ay makikita ang naging pagtingin sa kanya ng seryoso ni Edu, na tila ba may nais ipahiwatig at dahil dito ay hindi na pigil ng aktres na mapahagikhik sa tawa.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Napansin din nga ni Luis ang naging seryoso ang tingin ng kanyang Daddy, kaya naman maging sila ng misis niyang si Jessie na kasama din sa vlog ay hindi napigilan ang mapatawa na din dahil sa reaksyon ng kanyang ama.”Iyong titig, meron,” sambit ni Jessy.

Dahil sa naging reaksyon ni Edu, ay dinugtungan pa nga ni Luis ang katanungan niya kay Cherry Pie. “Si Daddy ba ang selos niya iyong kasi may selos na, kunwari, ako seloso ako pero gusto ko iyong nilalambing lang? Ganun ako, iyong kakapitan lang. Ganun ba si Daddy?”

Binigyang kasagutan naman agad ni Cherry Pie ang tanong na ito ni Luis ng, “Oo, gusto niya ng assurance. Tapos hindi magsasalita iyan, nararamdaman mo na lang.” Agad namang ipinaliwanag ni Edu ang kanyang ‘side’ sa ganitong senaryo.




“Kasi minsan, pinapairal mo na lang ang iyong nararamdaman. Hindi na kailangan lagi na always in the form of words”, paliwanag ni Edu. Hindi naman pinangalanan ni Cherry Pie kung sino ang pinagseselosan ni Edu, hanggang sa matapos nga ang naturang vlog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *