Elisse Joson Naging Emosyonal Sa Sorpresa Ng Boyfriend Niyang Si McCoy de Leon Sa Kanyang Kaarawan

Hindi napigilan ni Ellise Joson, ang mapa-iyak sa araw ng kanyang kaarawan, dahil sa sorpresang inihanda para sa kanya ng kanyang boyfriend na si McCoy de Leon.




Nito nga lamang nakaraan, ay nagdiwang ang Kapamilya actress, ng kanyang kaarawan, at sa mismong araw na ito, ay isang regalo mula kay McCoy ang kanyang natanggap, na talaga namang nagpaluha sa kanya sa sobrang kasiyahan na kanyang nadama.

Photo Credit: elissejosonn/Instagram

Isang video, kung saan ay hinandugan siya ng binatang aktor ng kanta na may video greetings pa mula sa kanilang mga kaibigan ang sorpresa ni McCoy kay Ellise.

Photo Credit: elissejosonn/Instagram

Maliban pa nga rito, habang kumakanta ay isang video clips din ang ipinalabas ni McCoy, kung saan naman makikita ang mgapinagsama-sama nilang bonding moments together.

Photo Credit: elissejosonn/Instagram

Ilan naman sa makikitang bumati kay Elise sa naturang video, ay ang kanyang mga kabigan na sina Alexa Ilacad, Sofia Andres, at Dj Chacha, na halos iisa lang ang mensahe para sa kanya, at ito ay ang kanyang patuloy na kaligayan at tagumpay sa kanyang buhay at career.

Photo Credit: elissejosonn/Instagram

“Deserve mo lahat ng happiness and blessings na meron ka, because you are a good person and a good daughter”, ang naging mensahe ni Dj Chacha kay Ellise.

Photo Credit: elissejosonn/Instagram

“Ipon muna kayo ni McCoyski, bago magdesisyon kung ano ang future plans niyong dalawa, I wish you happiness and peace of mind of course, good health”, dagdag na mensahe pa nito.

Photo Credit: elissejosonn/Instagram

Kung naluha si Ellise sa mensahe ng kanyang mga kaibigan para sa kanya, ay mas lalo pa siyang anging emosyonal, ng magbigay na ng mensahe para sa kanya ang kanyang boyfriend na si McCoy.

Narito nga ang naging mensahe ni McCoy para kay Ellise;
“Hindi ko alam ang sasabihin ko, kung ano lang talaga ‘yung nasa loob ng puso ko ang sasabihin ko. Marami kaming nagmamahal sayo.

“Ngayong birthday mo, gusto ko happy ka. Gusto ko lahat ng best para sa iyo. I love you so much, I love you. I love you.” Nang tanungin naman ni McCoy si Elisse, kung bakit ito umiiyak, ang tanging nasagot ng dalaga ay;

“Thank you. Happy ako, promise.” Makikita naman sa Instagram ni Ellise, ang naging pagbabahagi niya ng video na ito ni McCoy para sa kanya, kung saan ay nilakipan niya ito ng caption na;

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

“I wasn’t gonna post this but it really made my day. A meaningful birthday gift from miles away. (Iyakin talaga ako, pero tears of joy).” “Maraming salamat din sa mga kaibigan ko na naging parte ng video na ‘yo. It really means a lot seeing your greetings. Mahal ko kayo.”




Matatandaan na sina Elisse at McCoy ay nagsimulang magkaroon ng pagkakaunawaan noong taong 2016, ng silang dalawa ay magkasama sa Pinoy Big Brother, hanggang sa kumpiramahin na nga nilang dalawa na sila ay magkarelasyon na.

Napabalitang nagkakalabuan ang loveteam ng dalawa noong taong 2018, kung saan ay dumating na din sa punto na ang kanilang relasyon ay mauwi na sa hiwalayan.
Matapos nga ang dalawan taong paghihiwalay, noong nakaraang taong 2020, ay napabalita na muli ng nagkabalikan sina Elisse at McCoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *