Ella Cruz Hindi Makapaniwala Na Gusto Siyang Maka Collaborate Ng Former 2NE1 KPop Member Na Si Minzy

Si Ella Cruz ay isa sa mga contract star ng talent management na Viva Entertainment. Maliban pa rito ay aminado siya na talaga namang “big fan” siya ng 2NE1. Ang 2NE1 ay South Korean all-girl group, at ito umano ang nagmulat sa kanya sa musika ng K-pop.




Dahil sa talagang iniidolo ni Ella ang 2NE1 ay hindi siya makapaniwala, sa sinabi ng isa sa mga former member nito na si Minzy, na nais nito na magkaroon silang dalawa ng collaboration.

Photo Credit: ellacruz/Instagram

Si Minzy ay former member ng 2NE1, at ang Viva Artists Agency ang namamahala ng career nito sa Pilipinas.

Photo Credit: ellacruz/Instagram

Ngayon pa nga lang ay iniisip na ni Ella kung ano ang mga OPM K-pop song na pwede nilang gawin ni Minzy, na magugustuhan ng Pinoy K-pop supporters.

Photo Credit: ellacruz/Instagram

“Oh my God, minention ako ni Minzy. Isa siya sa mga naging dahilan kung bakit ako na-inlove sa K-pop. “2NE1 ang nagbungad sa akin, nag-welcome sa akin sa K-pop world”, ang naging saad ni Ella.

Image Credit via Google

Ayon pa nga sa young star, noon ay pangarap lamang niya ang maka-collaborate ang isang K-pop artist or maging isa siyang K-pop artist. At ngayon nga, ay mismo na isang K-pop artist ang nag-mention sa pangalan niya at gusto siyang maka-collaborate.

Image Credit via Google

Ngayong su Minzy ay nasa bakuran na rin ng Vive Artist Agency, ay batid ni Ella na malaki ang posibilidad na mangyari ang collaboration na ito na nabanggit ng South Korean celebrity.

Image Credit via Google

At “hoping and praying” talaga si Ella na matuloy ito, dahil sa pangarap niya talaga ito. “So, parang hopefully talaga, I’m really praying na matuloy po yung collaboration na ‘yan”, sambit nga ni Ella.

Samantala, muli namang nag-renew ng kanyang exclusive conract si Ella sa kanyang home studio. At noon ngang ika-27 ng Nombyembre, ginanap na virtual conference, ay paulit-ulit na nagpasalamat si Ella sa patuloy na pagtitiwala na ibinibigay sa kanya ng Viva.




Nagpasalamat rin si Ella, sa paniniwala ng Viva sa kanya, sa mga bagay na kaya niyang gawin, lalo na pagdating sa musika.

“Salamat sa trust po nila na kaya kong gawin ang mga bagay na hindi ko nagagawa especiall doing music. “Dati naman po, hindi ako kumportableng kumanta, but they gave me a chance to excel.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *