Ella Cruz Ibinunyag Kung Sinong Celebrity Ang Una Niyang Naging Boyfriend

Sa kauna-unahan pagkakataon, ay isinapubliko ng actress at Youtuber na si Ella Cruz kung sino ang naging una niyang celebrity boyfriend.




Matatandaan na kamakailan lamang, ay naging “celebrity guest player”, ang actress at Youtuber na si Ella Cruz, sa segment na “MAS TESTING” ng noontime show na “It’s Showtime” na talaga namang inaabangan at kinaaaliwan ng maraming mga manonood tuwing tanghalian.

Photo Credit: ellacruz/Instagram

Ang host ng segment na ito ng nasabing show ay ang host-actor na si Vhong Navarro, at ang host-comedian unkabogable star na si Vice Ganda. Samantala, sa naging ‘Punishment’ nga ni Ella, dahil sa mali niyang pag hula sa ‘Mas Testing’, ay isang katanungan ang ibinato sa kanya ng host nito na si Vice Ganda.

Photo Credit: ellacruz/Instagram

Kung saan ay tinanong siya ng host-comedian kung sino sa mga babaeng na-link sa kanya ang hindi niya gaanong nagustuhan.

Photo Credit: ellacruz/Instagram

Mapapansin sa naging reaksyon ni Ella, na tila nag-aalangan pa itong sagutin ang naging katanungan sa kanya ni Vice, at parang wala nga siyang maisip kung sino ang isasagot sa tanong.

Photo Credit: andrewmuhlach/Instagram

Dahil sa walang maisip na isagot, ay nagbibiro na lamang ang aktres na kung maaaring ang kanyang boyfriend na lamang ngayon na si Julian Trono, ang kanyang maging sagot.

Photo Credit: andrewmuhlach/Instagram

Ngunit agad itong kinontra ni Vice, at sinabi nga na kinakailangang aminin ni Ella ang totoo, at ilang minuto pa ngang nag-isip si Ella bago pa man ito sumagot, kung saan naman ay tila lumalabas sa reaksyon nito na mayroon itong sikretong nakarelasyon.

Photo Credit: andrewmuhlach/Instagram

Bago nga sumagot ang aktres, ay humirit pa ito kay Vice, na kung pwedeng ang initial name lamang nito ang sabihin nila, na agad namang sinagot ni Vice na dapat ay buong pangalan ang banggitin ni Ella.

Isang hint naman muna ang unang isinagot ni Ella, kung saan ay sinabi nito na;
“bunsong kapatid ni Muhlach.” Sa narinig, ay agad na binanggit ni Vice ang pangalan ni AJ Muhlach, kung saan ayon kay Ella, ay hindi ito, at mas bunso pa rito ang tinutukoy niya.\

Video Credit: Mas Testing/YouTube

Dahil sa hindi mahulaan nina Vice at iba pang host na naroroon ang tinutukoy ni Ella na binata, ay pinilit na ni Vice ang aktres, na sabihin na sa kanilang ang pangalan nito.
Kaya naman wala ng nagawa si Ella, kundi sabihin ang pangalan, kung saan ay si “Andrew Muhlach” pala ang kanyang tinutukoy.




Agad namang nag-joke si Vice Ganda na, “Sige, igo-google natin mamaya si Andrew Muhlach.” Samantala, sa naging pagsisiyasat naman, ay lumabas na si Andrew Muhlach ay ang pinakabunso sa Muhlach clan sa showbiz industry.

Ilan naman sa mga kilala nating mga Muhlach sa industriya ng showbiz, ay ang mag-asawang Aga at Charlene Muhlach, Niňo Muhlach at si AJ Muhlach.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *