Ellen Adarna At DereK Ramsay Muling Na-Spottan Na Masayang Magkasama Sa Isang Lugar Sa Batangas

Kamakailan lamang ng maging maingay sa publiko ang pangalan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, ng lumabas social media ang mga larawan kung saan ay makikitang enjoy ang dalawa sa presensya sa isa’t isa, habang sila ay nasa isang salo-salo, kasama ang ilan sa kanilang mga kaibigan. Kasama rin sa naging salo-salong ito, ang anak ng aktres, na si Elias.




Ang mga larawan ngang ito nina Ellen at Derek na ibinahagi ng kanilang kaibigan na si Ruffa Gutierrez na kinunan sa naging dinner party na dinaluhan nila, ay naging talk of the town dahil sa napansin ng mga netizens ang pagiging kumportabkle nina Ellen at Derek sa isa’t isa.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

At ngayon nga ay panibagong mga larawan naman ng dalawa ang umagaw sa pansin at atensyon ng mga netizens, ng ma-spottan muli silang magkasama na nagbabakasyon sa isang beach sa Batangas.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Isa sa mga lumabas na larawan na kuha sa bakasyon ng dalawa sa Batangas, na talagang napansin ng mga netizens ay ang larawan kung saan makikitang ang kamay ni Derek ay nasa likuran ni Ellen, na tila inaalalayan nito ang aktres ng sila ay pumunta isang kainan upang kumain, kasama ang dalawa pa nilang kaibigan.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Samantala, sa Instagram naman ni Ellen, ay nagbahagi rin ito ng isang close-up video ni Derek, kung saan ay ipinapakita naman nito ang natatago nitong talento gamit ang kanyang dila o tongue. Ibinahagi rin ng akres, ang larawan kung saan ay nag boat ride sila ng aktor, kasama ang kanilang mga kaibigan.

Sa kabila ng agaw pansin na mga larawan na nagpapakita ng pagiging malapit nina Derek at Ellen sa isa’t isa, ay wala namang paglilinaw mula sa dalawa kung ano nga ba ang estado ng relasyon meron sila.

Matatandaan naman na si Derek Ramsay ay halos ilang buwan pa lamang na nahiwalay sa kanyang dating girlfriend na aktres na si Andrea Torres. Ang dalawa ay naghiwalay noong buwan ng Nobyembre 2020, kung saan ay pareho nila itong kinumpirma. Ini-insist din ni Derek na hindi “third party” ang dahilan sa naging paghihiwalay nil ani Andrea.




Si Ellen naman ay dating karelasyon ng aktor na si John Lloyd Cruz, kung saan sila ay nagkaroon ng anak, at ito nga ay ang dalawang taong gulang na ngayon na si Elias Modesto. Ang dalawa ay naghiwalay noon pang taong 2019.
Sa ngayon nga ay pareho ngang single sina Ellen at Derek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *