Ellen Adarna Napapabalitang Naghain Umano Ng TPO(Temporary Protection Order) Laban Kay John Loyd Cruz

Mainit na mainit pa ang kontrobersiya ng kinasasangkutan ni Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto. Ito’y matapos mapabalitang ang dahilan ng hiwalayan nina Bea at Gerald ay si Julia Barretto. Mas lalo pa itong uminit matapos sagutin ni Julia ng diretsahan sa pamamagitan ng kaniyng Instagram account ang mga alegasyon laban sa kaniya at binigyan ng mensahe ang aktres na si Bea Alonzo. Ngunit hindi pa naman lumalamig ang sitwasyon, may bago na namang chismis na pinagpiyestahan ang mga netizen.

Photo Credit: Philstar Global/Facebook




Ito ay ang balitang hiwalay na umano ang aktor na si John Lloyd Cruz at ang sexy star na si Ellen Adarna. Matapos ang 2 dalawang taong tahimik na paninirahan nila sa Cebu, hiwalay na raw umano ang dalawa. “Co-parenting” na lang raw ang estado ng dalawa para sa kanilang anak na si Elias Modesto. Ayon sa mga balita, noong nakaraang buwan, Hunyo, pa raw may problema ang dalawa sa kanilang relasyon sa dahilan hindi na raw makayanan ni Ellen ang pagiging “weirdo” ni Lloydie.

Photo Credit: Pep/Facebook

Isiniwalat rin ng Pilipino Star Ngayon na hindi na raw maaaring lumapit si John Lloyd sa kanyang anak. Ito ay mas naging matindi pa nang pumutok ang balitang namataan raw si Ellen Adarna sa Cebu Regional Trial Court at di umano’y naghain ng Temporary Restraining Order o TRO laban kay Lloydie. Bagama’t ito ang balita, hindi naman raw pala ang tama na tawaging TRO ang ihinain ni Ellen bagkus ito’y isang Temporary Protection Order o TPO na naglalayong bigyang proteksiyon ang naghain nito laban sa kanyang karelasyon, o kadugo.

Pero ayon sa mga source, wala naman raw ganoong nangyaring eksena dahil nasa Thailand raw si Ellen kasama si Beauty habang nasa Cebu naman si Lloydie. Sa kasalukuyan, nasa Vietnam raw si Lloydie. Sana mabigyan ng klaripikasyon ang isyung ito lalo pa’t marami ang tagahanga ni Lloydie at ni Ellen. Napakarami na ring kontrobersiya ngayon sa Pilipinas para dagdagan pa ng kanilang hiwalayan.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *