Engaged Couple Na Sina Andi Eigenmann At Philmar Alipayo Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Kanilang Little Island Boy Na Si Baby Koa

Nito nga lamang ika-17 ng Enero 2021, ay isinilang na ni Andi Eigenmann ang pangalawang anak nila ng kanyang fiancé na si Philmar Alipayo, isang surfer. At ang naturang sanggol nga na isinilang ni Andi ay isang malusog na baby boy na super sa kakyutan.




Matapos nga ang naging pagsilang ni Andi, ay agad nilang ibinandera ng partner niyang si Philmar ang pagsilang kay baby Koa. “We did it again papa! This journey was more of a breeze you by my side.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

“Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away. I love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!”, ang naging pahayag nga ni Andi.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

Ngunit bago pa man nga ang naging pagbabahagi na ito ng mag fiancé, ay nauna ng ipahayag ni Jackylyn Jose sa kanyang mga IG followers, na nanganak na ang kanyang anak na si Andi sa third baby nito.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

Dahil sa marami sa mga tagasuporta ng mag fiancé ang talagang inaabangan ang panganganak ng aktres, ay pagkalipas ng isang araw, ay agad na nilang ipinakita sa madlang pipol ang kyut na kyut na mukha ni kanilang “little island boy” na pinangalanan nilang si Koa.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

Nagbahagi nga ang aktres sa kanyang Instagram account ng larawan ng bagong silang na si baby Koa, at kalakip nito ay ang kanyang naging caption na;

Photo Credit: chepoxz/Instagram

“And just little like that, my heart has grown even bigger once more. On the 17th day of January 2021, at 10:09 am, we welcomed the newest member of the family Hello World! Meet our little island boy, Koa.”

Samantala, sa IG account naman ng champion surfer na si Philmar, ay makikita ang naging pagbabahagi nito ng larawan ng kanyang fiancé na si Andi habang karga-karga nito ang kanilang malusog na baby boy.

Maliban dito, ay may isa pang larawan na ibinahagi si Philmar, kung saan naman ay makikitang buong pagmamahal na hinahalikan ni Andi ang kanilang baby boy na si Koa, habang dumedede ito sa kanya.

“Thanks for bringing our boy to this world! I am very proud of you, mahal ko. You are the strongest person I know.”

Ikinatuwa naman ng mga netizens, ang ginawang TikTok video ni Philmar habang inaaliw ang kanyang mag-ina, na hanggang ngayon nga ay nananatili pa ring nasa hospital.
Sa Instagram story nga ni Andi, makikita ang naging pag-repost niya ng video na ito ng fiancé, at ang kanyang naging caption ay “Papa entertaining us, 24/7.”




Si Baby Koa ang ikalawang anak ni Andi sa kanyang fiancé na si Philmar. Ang unang anak ng dalawa ay ang super bibo nilang baby girl na si Lilo. Maliban sa dalawang anak na ito ng mag fiancé, ay may panganay pang anak si Andi, at ito nga ay si Ellie, na anak niya sa dati niyang karelasyon na si jake Ejercito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *