Engaged Na Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach Sa Kanyang Boyfriend Na Si Jeremy Jauncey

Pagdating sa buhay pag-ibig ay isa si Miss Universe Pia Wurtzbach sa masasabi natin na mayroong makulay at masayang love life sa piling nga ng kanyang foreign entrepreneur boyfriend na si Jeremy Jauncey.




Tila naman ngayon ay mas lalo pa ngang magiging masaya ang magkasintahan, dahil sa handa na nga silang i-next level ang relasyon nila, ito ay matapos ngang kumpirmahin ni Pia nito lamang nakaraan na sila ng boyfriend niyang si Jeremy ay engage na sa isa’t isa.

Photo Credit: jeremyjauncey/Instagram

Noon nga lamang ika-6 ng Mayo taon ng kasalukuyan, araw ng Biyernes, ay masayang inanunsyo ni Pia sa publiko ang pag-level up na nga ng relasyon nil ani Jeremy.
Tila nga ang engagement nina Pia at Jeremy ay naganap ng sila ay nasa Amanpulo kung saan doon nga sila nagbakasyon matapos nila maging abala sa kani-kanilang mga trabaho.

Photo Credit: jeremyjauncey/Instagram

Sa naturang Instagram post kasi ni Pia noon ngang ika-6 ng Mayo ay makikita ang pagbabahagi niya ng mga sweet moments nilangg magkasintahan kagaya na lamang ng naging pagsakay nila sa yate, ang pagswimming nila during sunset hour, at maging ang naganap na romantic date na tila nga ito ay sorpresa sa kanya ng nobyo na ngayon nga ay fiancée na niya.

Photo Credit: jeremyjauncey/Instagram

“We found the perfect place to celebrate and tell you guys…”, ang naging saad ni Pia sa caption ng kanyang IG post.Hinala naman ng marami na ang magkasintahan ay engaged na noon pa lamang buwan ng Abril ng ang dalawa nga ay mag work-vacation sa bansang Switzerland. Noon kasing ika-12 ng Abril ay nag-post ang ina ni Pia na si Cheryl Alonzo ng vlog kasama ang magkasintahan na ng mga panahon nga na iyon ay sandaling bumisita sa London pagkagaling nga ng mga ito sa Switzerland.

Photo Credit: jeremyjauncey/Instagram

Sa vlog post nga na ito ng ina ni Pia unang nasilayan ng mga masugid na tagahanga ng beauty queen na siya ay mayroon ng suot-suot na diamond ring na tugma nga umano sa suot niyang engagement ring ngayon na ipinakita nga niya matapos nga niyang i-anunsyo na sila ay engaged na ni Jeremy.

Photo Credit: jeremyjauncey/Instagram




Ngunit kung pagbabasihan din ang nasabing vlog, ay tila nga itinatago pa ni Pia ang naturang singsing at waring hindi pa nito nais na makita ng publiko para hind inga kaagad lumabas ang pagiging engage na nila sa isa’t isa ng kanyang nobyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.