Engagement Ring Na Ibinigay Ni Mateo Guidicelli Para Kay Sarah Geronimo Pinag-ipunan Niya Ng Halos Limang Taon

Hindi nga naman maitatago ang sobrang pagmamahal ni Matteo Guidicelli sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo. Ayon sa former road manager ng aktor na si Jerry Telen ay simula pa noong 2014, ay pinag iipunan na at pinaghahandaan na ni Matteo ang engagement ring na ibibigay niya sa kanyang kasintahan.

Photo Credit: matteog/Instagram




Sa isang throwback photo na ibinahagi ni Jerry Telen ay may caption na “ So happy for Matty. Flexing his perseverance: Five years in the making engagement and proposal.” Ibahagi rin niya na noong 2014 kung saan ay nasa isang mall show sila sa bohol ay nasabi ni Matteo na “ Kuya Jers, I need more work to buy an engagement ring for Sarah”. And the rest is History”

Photo Credit: matteog/Instagram
Photo Credit: matteog/Instagram

Marami nga naman ang nakaka-alam maging sa mga tagahanga nina Matteo at Sarah, na hindi naging madali ang kanilang naging relasyon. Dahil noong una ay hindi sumang-ayon ang mga magulang ni Sarah sa pakikipagrelasyon nito sa aktor, kaya ang kanilang relasyon ay naging pribado sa lahat maging sa kanilang mga tagahanga.

Taong 2013 ng maging magkarelasyon ang dalawa, ngunit ito ay nalaman ng publiko noong taong 2014 na kung saan ay kinumpirma ito ni Sarah Geronimo na ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga.

Photo Credit: matteog/Instagram

At nitong November 7 nga nitong taon na ito, ay muling ginulat at binigyan ng kasiyahan ng dalawa ang kanilang mga tagahanga, ng ibahagi nila sa publiko ang kanilang engagement. Ngunit ayon sa kapatid ni Matteo na si Paolo ay matagal ng engage ang dalawa.

Photo Credit: matteog/Instagram

Matapos nga ang balitang engagement nina Matteo at Sarah, ay isang mensahe naman sa kanyang Instagram post ang ibinahagi ni Matteo na kung saan mababasa na tunay at totoo ang pagmamahal at respeto niya sa kanyang mahal na kasintahan.

Photo Credit: matteog/Instagram

“Tito Delfin and Tita Divine, if there have been hard feelings or events that were not supposed to happen in the past, I humbly apologize. I assure you that I will give Sarah a happy life with the best of my capabilities. With pure, honest, love and respect. We wish to move forward with our life plans and begin this brand new chapter of our life.”

Photo Credit: matteog/Instagram

“Mahal na mahal ko po si Sarah. Mahal ko din po kayong mga magulang niya at mga kapatid niya. Hangad ko po na maging isang pamilya tayo. Pangako ko po na aalagaan ko si Sarah na kapareho ng pangangalaga niyo sa kanya”




Eto ay ang ilan sa bahagi ng mensahe ni Matteo para sa mga magulang ni Sarah at para na rin sa kanyang kasintahan, na kung saan nagpapatunay ng kanyang labis na pagmamahal para sa singer at sa pamilya nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *