Eric Fructuoso Nag-post Ng Throwback Photo Kasama Ang Ex-Girlfriend At Co-star

Nitong nakaraang April 6 lamang, ay nagbahagi si Eric Fructuoso ng throwback photos niya sa kanyang Instagram account kung saan ay kasama niya ang aktres na si Claudine Baretto.




Mapapansin sa larawang ito na ibinahagi ni Eric na matagal ng kinunan ang larawan na ito dahil dalaginding at binatilyo pa ang mga mukha nila ni Claudine dito, at marahil ay kuha ang larawang ito noong mga panahon na pareho silang cast sa sitcom na “Palibhasa Lalake”.

Photo Credit: eric.fructuoso/Instagram

Taong 1987-1988 ng ipalabas sa ABS-CBN ang sitcom na “Palibhasa Lalake”, at ang direktor nito ay si Johnny Manahan. Sina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada, Miguel Rodriguez, at Anjo Yllana ang ilan sa mga aktor na kabilang sa top-billed sa sitcom na ito.

Photo Credit: eric.fructuoso/Instagram

Kasabay ng larawang ibinahagi ni Eric ay ang paglalagay niya ng caption na,”Kilay (ctto)”. Matatandaan nga na ang pagkakaroon niya ng makakapal na kilay ang naging pagkakakilala ng mga tagahanga niya sa kanya.

Photo Credit: eric.fructuoso/Instagram

Samantala sa “Palibhasa Lalake” sitcom, ay nasa magkaibang grupo naman nabibilang sina Eric at Claudine.

Photo Credit: eric.fructuoso/Instagram

Si Eric ay nabibilang sa grupo ng mga kalalakihan na “Gwapings”, kasama ang ilang mga halos kaedaran niya lang din na mga binatilyong aktor noon na sina Jomari Yllana, Jao Mapa at Mark Anthony Fernandez.

Photo Credit: eric.fructuoso/Instagram

Sa grupo naman na “Kutings” na puro kababaihan nabibilang si Claudine, dito ay kasama niya ang mga dalaginding pa lang din noon na sina Rica Peralejo, G. Toengi, Regine Tolentino, Lindsay Custodio at Maria Cristina P.

Photo Credit: eric.fructuoso/Instagram

Sa mga ganitong edad nga ay hindi maiiwasan na may mga nalink sa isa’t-isa lalo na at halos magkakaedaran lamang sila, at isa na roon si Claudine na ng mga panahong iyon ay romantically na nalink kay Mark Anthony Fernandez, na naging katambal din niya sa ilang mga Kapamilya show.

Photo Credit: eric.fructuoso/Instagram

Sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) na pinamagatang “Walkman”, ay muking nagsama sina Claudine at Eric sa proyektong ito na inilabas noong 1993 kung saan ay ito rin ang unang pagkakataon na lumabas ang aktres sa MMK.




Nang maging guest naman si Claudine sa isang episode ng “Gandang Gabi Vice” ni Vice Ganda noong taong 2015 ay sinabi nito na nagkaroon sila ng relasyon ni Eric noon.

Samantala, ni hindi naman inilabas noon ni Claudine ng maging magkasintahan sila ni Eric kaya may ilan na mga nagsasabi na noon pa man bago pa naging si Mark at si Claudine ay si eric ang unang gusto ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *