Erich Gonzales Ipinakita Na Ang Kanyang Tahanan Sa Pamamagitan Ng Isang Virtual House Tour

Sa kauna-unahan ng ang pagkakataon, ay ipinasilip ng aktres na si Erich Gonzales ang tahanan na kanyang naipundar.



Para sa aktres, ang kanyang tahanan na ito ay isang simple ngunit eleganteng tahanan, at masasabing “minimalist” dahil sa hindi karamihan ang mga kagamitan rito.
Image Credit via YouTube
Dahil sa marami sa kanyang mga tagahanga, ang talaga namang nagre-request kay Erich na sana’y ipasilip ng aktres ang tahanan nito, ay pinagbigyan na rin ito ng aktres.
Image Credit via YouTube
Kamakailan nga lamang sa kanyang YouTube channel, ay ibinahagi ni Erich Gonzales, ang isang virtual house tour, upang mabigyan ng munting pasilip ang kanyang mga tagahanga sa kanyang tahanan.
Image Credit via YouTube
Makikita sa naturang video, na unang ipinakita ng 29-taong gulang na aktres ang living room ng kanyang tahanan, kung saan ay makikita rito ang isang napakaganda at eleganteng big white couch, at mayroon ding ottoman rito na nakapwesto sa may bandang coffee table.
Image Credit via YouTube
Ipinakita rin ng aktres ang kanyang dining room, na kung saan ay mayroon itong six-seater dining table.
Image Credit via YouTube
“ Bakit six? Kasi ‘yun lang po ang kaya ng budget natin. ‘De chos! (Why six? Because that’s r=the extent of what our budget can cover. Just kidding!)” ang naging pagbibiro pa ng aktres habang ipinapakita ang kanyang dining area.
Image Credit via YouTube
Maging ang ilan pang bahagi ng kanyang bahay, tulad ng kitchens, laundry area, stock rooms at garage ay ipinakita rin ng aktres.
Image Credit via YouTube
Hindi rin naman mawawalan ng garden sa bahay na ito ni Erich, kung saan ayon sa kanya, ay dito niya inaayos at itinatanim ang kanyang mga bulaklak. Plano rin umano ng aktres, na magtanim ng mga gulay rito o anumang mga herbs dito.
Image Credit via YouTube
Ayon naman sa aktres ang isa sa mga paborito niyang bahagi ng kanyang bahay ay ang lanai area, na kung saan ay talaga namang nakaka-relaks ang tanawin dito dahil sa natatanaw mula rito ang kanyang garden. Dito umano madalas tumambay si Erich, sa tuwing nais niya magbasa ng libro o kung bumibista man ang kanyang mga kaibigan ay dito sila madalas.
Image Credit via YouTube
Ibinunyag naman ni Erich sa kanyang mga tagahanga, na ang tahanan niyang ito ay repleksyon ng kanyang personalidad, dahil talagang siya ang mismong gumawa at nag-ayos nito dahil hindi siya kumuha ng interior designer nagagawa nito.



“Sariling sikap. Ako lahat ito, everything”, saad nga ng aktres sa kanyang vlog.
Dagdag pa ni Erich, mas nais niya at ng kanyang pamilya ang simple ngunit malinis na tahanan, kaya naman talagang sinigurado niya sa naging pag-aayos niya dito na ito ay magiging simple ngunit maganda.
https://www.youtube.com/watch?v=UbFjzJHeKXg&feature=emb_logo
Taong 2014, ng pasimulan ng aktres ang pagpapagawa ng kanyang bahay, at ang lupang kinatitirikan nito ay nabili niya noong siya ay 22-taong gulang pa lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *