Erich Gonzales Masayang Nag Harvest Sa Kanyang Bakuran Sa Kauna Unahang Pagkakataon

Nang magkaroon ng krisis isa nga sa talagang naapektuhan ay ang kabuhayan ng maraming mga mamamayan. Kaya naman sa ganitong panahon na dama natin ang krisis at kahirapan ay napakahalaga na tayo ay mayroong mapagkukunan ng makakain araw-araw kahit na sa simpleng pagtatanim nga natin ng gulay sa loob ng ating bakuran.




Habang naka-quarantine nga ang marami sa atin, ay isa sa talagang naging libangan sa loob ng bakuran ng tahanan ay ang pagtatanim. Ang iba ay nagtanim ng iba’t ibang uri ng mga bulaklak at halaman na kanilang maibebenta, at ang iba naman ay nagtanim ng mga halamang gulay na namumunga na maari ngang maibenta o pagkunan ng pagkain araw-araw.

Image Credit via YouTube

Halos nasa isang taon na nga ang matuling lumipas mula ng magpatupad ng quarantine sa ating bansa, kaya naman sa mga nagsimula ng magtanim mula pa noon ay tiyak na inaani na nila ngayon ang bunga ng kanilang mga pananim.

Image Credit via YouTube

Kabilang na nga sa mga masasaya ng umaani ngayon ng mga bunga ng kanyang pananim ay ang napakagandang aktres na si Erich Gonzales. At para nga sa aktres, tunay ang kasabihan na “Kapag mayroon kang itinanim, ay mayroon kang Aanihin”, kaya naman ngayon na namunga na ang kanyang mga tanim sa loob ng kanyang bakuran ay napakalaki ngang bagay at tulong nito para sa kanilang pang-araw araw na buhay.

Image Credit via YouTube

Noon ngang Enero ng kasalukuyang taon, ay ibinahagi ni Erich sa kanyang vlog ang napakasayang pagha-harvest niya sa mga bunga ng kanyang pananim. Makikita nga sa naturang video vlog ng aktres, ang ginawa niyang pagputol ng sanga ng kalamansi at malunggay.

Image Credit via YouTube

Gamit nga ang lagare ay pinutol ni Erich ang sanga ng puno ng kanyang tanim na kalamansi, ito ay dahil sa mataas na ito at hindi na nga niya magawang abutin ang bunga nito. Labis naman ang kanyang naging saya ng makita na nga niya ang mga hitik na bunga ng kanyang tanim na kalamansi, matapos niyang maputol ang sanga nito.

Image Credit via YouTube

Halos napakarami ngang nailagay ni Erich na bunga ng kalamansi sa sisidlan na kanyang dala, at ibinahagi niya sa dami nito ay marami rin siyang mga mapag-gagamitan na putahe.

Sinunod naman na pinutol ng aktres ang sanga ng malunggay gamit ang itak dahil sa napakalago at taas na rin ito, sabay sabi na ayos lang naman na ito’y putulin sapagkat muli naman itong tutubo at yayabong ang mga dahon.

At dahil tila nga ginusto ni Erich na kumain ng saging, ay pinutol nga rin niya ang puno ng saging na hitik na sa bunga, kung saan ang iba ay hinog na.

Kuwento naman ni Erich, hindi na bago sa kanya ang magputol ng mga sanga ng puno dahil bata pa lamang siya ay mahilig na rin siya umakyat ng mga puno, upang maglaro o di kaya ay mamitas ng mga bunga nito.

Ipinagpasalamat naman ng aktres ang lahat ng mga bungana kanyang na-harvest galing sa mga tanim sa kanyang bakura, sapagkat napakalaking tulong talaga ng mga ito. Dagdag pa ni Erich, ibabahagi rin niya sa iba ang mga bunga na kanyang na-harvest.

Video Credit: Erich Gonzales/YouTube

Iba nga naman talaga ang nagagawa kapag may tanim ka sa loob ng iyong bakuran na mga halamang namumunga ng makakain,




dahil maliban sa nakatipid ka, magagawa mo pang makatulong sa iba sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bunga na iyong na-harvest mula sa iyong pananim. Ipinagmalaki naman ni Erich na ligtas na kainin ang mga tanim sa kanyang bakuran, dahil organic ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *