Erwan Heussaff Nag React Sa Mga Litrato Ng Ibang Leading Man Ni Anne Curtis

Nakakatawa talaga kapag nakikita natin nagkukulitan ang mga iniidolo nating artista sa social media. Nakikita kasi natin ang kanilang ugali sa likod ng kamera. Dito rin natin nasubaybayan ang mga nangyayari sa kanilang buhay. Isa sa mga social media apps na madalas gamitin ng mga artista ay ang Instagram.

Dito na ibinahagi ang mga nangyayari sa kanilang buhay sa pamamagitan ng litrato. Dito na rin sila karaniwang nagpo-promote ng kanilang mga pelikula at mga programa. Sa Instagram rin sila pakikipagsalamuha sa kanilang mga taga-hanga at taga-suporta.

Photo Credit: @annecurtissmith/Instagram




Aktibo rin sila sa Instagram at sa katunayan nga’y dito sila nagpapalitan ng mga komento, at mga biro ng kapwa nila ng mga artista. Nito nga lamang ay nag trending ang mga screenshots ng pag-uusap ng mag-asawang Erwan Heussaff at Anne Curtis sa Instagram.

Makikita kasi sa Instagram ni Anne na nagpost siya ng isang sexy na litrato kung saan tila mukhang nakahubad sila kasama si Marco Gumabao. Ito ay para ipromote ang kanilang darating na pelikula na “Just a Stranger” na ipapalabas na sa ika-21 ng Agosto sa lahat ng sinehan sa Pilipinas.

Photo Credit: Anne Curtis/Google

Magaganda ang mga komento ng mga taga-hanga’t taga-suporta ni Anne ngunit may isang nangibabaw: ang kanyang asawang si Erwan. Nagcomment si Erwan ng “Who’s that stranger?” Pabiro niyang tinanong ang kanyang asawa kung sino ang kasama nitong lalaki sa litrato.Biro pa ni Erwan, “I leave for one day this is what happens already?”

Marami ang natuwa kay Erwan at sa katunayan nga’y sinakyan pa nila ang trip nito at nagawa pang i-tag si Marco sa kanilang mga comments at sinabing baka raw habulin siya ni Erwan dahil sa litrato. Pabiro namang nagmakaawa si Marco ng, “Omg please don’t k!ll me, people.”

At para mas dagdagan pa ang katatawanan, sinabihan siya ni Erwan na dapat raw siyang matutong magluto dahil mahilig daw talagang kumain si Anne. Sagot naman ni Marco, “Do you accept 1 on 1 tutorial?” Maraming mga netizens ang naaliw sa usapan nilang ito. Sa muli, ipapalabas na sa mga sinehan ang “Just A Stranger” sa August 21.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *