Ethel Booba Ipinasilip Ang Di Umanoy Nabiling Napakaganda At Napakalawak Na Resort Dahil YouTube

Muling naghatid ng goodvibes ang komedyanteng singer na si Ethel Booba sa kanyang mga tagasuporta sa pamamagitan ng kanyang latest vlog na ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel.




Matatandaan na minsan ng umani ng maraming papuri at paghanga si Ethel mula sa mga netizens at kanyang mga tagahanga ng siya ay maging isang plantita, matapos nga itong mag-trending dahil sa kanyang sense of humor habang kanya ngang ipinapakita ang mga koleksyon ng mga halaman na ayon nga sa kanya ay nakuha pa niya sa iba’t ibang mga bansa.

Image Credit via YouTube

Ngunit ang tinutukoy pala na mga halaman n komedyante na nabili niya sa ibang bansa ay ang mga halamang makikita lang natin sa ating mga bakuran, kagaya na lamang ng malunggay, talong, papaya, at gabi. Ito nga ay kanyang ginawan ng kanya-kanyang mga name tag, kung saan ay nakasulat nga ang mga kakaibang pangalan na inilgay niya sa mga ito.

Image Credit via YouTube

Dahil nga rito, ay naging motibasyon ito ni Ethel na ipagpatuloy pa ang pag-gawa ng mga vlog dahil sa batid niya na nakapagbibigay aliw at kasiyahan siya sa mga netizens.
Sa ngayon nga ay mayroon ng 910,000 na mga subscribers ang komedyante, na patunay nga lamang na marami ang nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Image Credit via YouTube

Samantala, nito nga lamang nakaraan ay isa muling vlog ang ginawa ni Ethel, at hatid nga nito ay goodvibes sa lahat dahil sa ipinasilip nga niya ang isang napakaganda at lawak na resort na ang pangalan niya ay “Casa Veranda” na ayon sa kanya ay katas umano ng kanyang pagyu-YouTube.

Image Credit via YouTube

Ayon kay Ethel ang lupain ng naturang resort ay may lawak na 22 hektarya, at kaya niya nagustuhan ang naturang lugar ay dahil sa napakatahimik at aliwalas nito.
Dagdag pa niya, kaya siya nasisiyahan ay dahil nabili niya umano ang naturang resort ng wala ng anuman na dapat ayusin o problemahin pa.

Image Credit via YouTube

Ibinahagi pa ni Ethel na isa sa mga nagustuhan pa niya sa resort ay ang disenyo nito, na ayon nga sa kanya ay bagay na bagay sa kanyang personalidad.

Image Credit via YouTube

Para nga ipakita sa kanyang mga tagasuporta ang magandang lugar ng naturang resort na nabili niya di umano, ay nilibot nga ni Ethel ang kanyang mga subscribers sa nasabing resort, kung saan ay makikita nga na ito ay napapalibutan ng iba’t ibang klase ng mga luntian at makukulay na mga halaman at bulaklak.

Image Credit via YouTube

Maliban pa dito, ay ibinida din ni Ethel ang Jacuzzi ng naturang resort, at sabi pa niya ay may mga bagay pa siyang naiisip na maaring gawin sa resort upang ma-improve pa ang ganda nito.

Image Credit via YouTube

Ang isa pa ngang kahanga-hanga sa naturang resort ay ang magandang tanawin na matatanaw mula rito, kagaya na nga lamang ng bundok Arayat at ang NLEX. May lugar rin dito kung saan ay maaring mag-bonefire at mag-ihaw-ihaw.

Video Credit: Ethel Booba/YouTube

Sa kabila nga ng mapapanood sa video na kasiyahan ni Ethel habang ipinapasilip ang resort na ayon nga kanya ay katas ng YouTube niya, ay ilang sandali nga lamang ay mayroong isang babae na dumating na bumaba sa isang sasakyan na tumawag nga kay Ethel para ibaba ang mga gamit nito sa kotse.




Dito na nga napag-alaman na ang babaeng dumating ay si Michaela, ang anak ng Ninang ni Ethel na si Hon. Gene Dela Fuente, ang nag mamay-ari nga ng naturang resort.
Marami nga sa mga tagasubaybay ni Ethel ang talaga namang nasiyahan at ikinatuwa ang video vlog na ito ng komedyante dahil sa talaga namang goodvibes ang naging hatid nito para sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *