Eugene Domingo ‘Happily In Love’ Sa Kanyang Italyanong Boyfriend

Tunay ngang ang pag-ibig ay hindi bumabase sa edad ng tao, dahil kahit nasa anong edad ka pa, ay maari mo itong maramdaman. Tunay rin na hindi kinakailangan na madaliin ang pag-ibig, sapagkat, ito ay kusang dumarating.  Katulad na lamang ng hindi pa huli ang umibig para sa 49-taong gulang na komedyanteng aktres na si Eugene Dominggo. Sa kabila nga ng edad na ngayon ni Eugene, ay nakatagpo pa rin ito ng isang taong magbibigay sa kanya ng isang masayang buhay pag-ibig, ito nga ay sa piling ng kanyang karelasyon ngayon na si Danilo Bottoni, isang Italyano.




Si Uge at Danilo ay apat na taon ng magkarelasyon, at kung noon ay Long-Distance Relationship ang kanilang set-up, ngayon nga ay masaya na silang magkasama, ito ay matapos na magretiro ni Danilo sa kanyang trabaho, upang tuluyan na ngang manirahan sa Pilipinas. “Danilo and I have been very blessed because when we decided na he should retire early, dahil napapagod na rin ako kakalipad sa Italy and we like to be together, tamang tama ang timing.”

Image Credit via Google

“Luckily and fortunately, mas lalong naging intense yung love between me and Danilo. We realized how we really enjoy each other’s company and araw-araw nagpapasalamat ako na binigay siya sa akin ng Panginoon.” Ayon nga kay Uge, magmula ng magkasama na sila ni Danilo, ay mas lalo pa ngang tumibay ang kanilang relasyon, dahil mas naipadama pa nila sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal. Dagdag pa ng komedyante, ipinagpapasalamat niya sa Diyos ang pagbibigay nito kay Danilo sa kanya.

Image Credit via Google

Samantala, ang mga Italyano ay kilala na mahusay sa pagluluto, kaya naman ayon ay Uge, kapag siya ay galing sa trabaho o taping, ay mas madalas ngang si Danilo ang nagluluto sa kanilang tahanan. Pagbabahagi pa ni Uge, hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na magkasama na sila sa iisang bubong ni Danilo, na ayon pa sa kanya ay ito na ang lalaking matagal na niyang hinihintay o ang kanya ngang ‘The One.’

Image Credit via Google

Ibinahagi naman ng komedyanteng aktres na dahil hindi na rin siya bumabata ay wala na nga silang balak mag-anak ni Danilo. Sa katunayan, sa ika-23 ng buwan ng Hulyo ay ipagdiriwang na niya ang kanyang ika-50th birthday. Mas nanaisin na nga lang umano nila ni Danilo na i-enjoy ang company ng isa’t isa, lalo nat pareho naman silang may edad na.
“I’m not getting any younger so ayokong mag-anak. Okey na, dami nang tao sa mundo diba? Dadagdagan ko paba? What I mean is, I just like to enjoy myself and travel and enjoy what I have already saved.”

Image Credit via Google




“I care for children and I have this mother instinct but it’s enough for me. I’m thankful that I’m helping my family, my nephews, other people but as of now gusto ko lang baby-hin yung sarili ko at si Danilo,” dagdag pa ni Uge.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *