Eugene Domingo Usap Usapan Ngayon Sa Social Media Dahil Sa Larawan Na Wedding Ring

Usap-usapan ngayon ng mga showbiz insider ang Kapuso TV host-actress na si Eugene Domingo, ito ay sa di umano’y tila kasal na ito, sa Italyanong boyfriend nito na si Danilo Bottoni.




Ang balita ngang ito, patungkol sa kasal na umano si Eugene, ay nagsimula ng mag-post ang Tv host-actress sa kanyang Instagram account nito lamang nagdaang Linggo, ng dalawang copper rings, na kung titingnan nga ay maaring masabi na wedding ring.

Photo Credit: danilo.b/Instagram

Dahil sa nakitang mga singsing na ito na post ng Tv host-comedian actress, ay maraming mga netizens ang nagpa-abot ng kanilang pagbati para sa “Dear Uge” star, kung saan ayon sa kanila, ay masaya sila para kay Uge, dahil sa wakas ay nahanap at natagpuan na nito ang kanyang “the one” sa buhay.

Photo Credit: danilo.b/Instagram

Sina Eugene, isang actress at Danilo, isa namang film critic, ay matagal ng magkarelasyon, kaya naman, hindi talaga imposible na mauwi na sa kasalan ang relasyon ng dalawa.

Photo Credit: danilo.b/Instagram

Makikita nga, na maraming sa mga IG followers at tagahanga ni Uge, ang nagpa-abot ng pagbati sa aktres, kung saan karamihan sa mga mensahe na makikita sa mga naging komento sa kanyang post ay “best wishes” at “congratulations”.

Photo Credit: danilo.b/Instagram

Hindi nga naman malinaw kung ang singsing ba na ito na ibinahagi ni Uge, sa kanyang Instagram ay wedding ring o ano, dahil sa wala namang anumang detalye na inilagay ang actress comedian, patungkol sa mga singsing.

Photo Credit: danilo.b/Instagram

Ang tangi nga lamang nakasaad na caption sa mga singsing na ito, ay ang naging pasasalamat ni Uge sa Blue Fame Handcrafted, na siya umanong gumawa ng nasabing crafted rings.

Photo Credit: danilo.b/Instagram

Samantala, makikita naman sa mga larawan ng magkarelasyong Uge at Danilo, na super happy ngayon sa kanyang buhay pag-ibig ang Tv host comedian actress. Dahil marami sa kanilang mga larawan na kuha mula sa iba’t ibang mga bansa at lugar na kanila ng napuntahan ay talaga namang nagpapakita na very sweet at happy silang dalawa.

Photo Credit: danilo.b/Instagram




Matatandaan naman, na sa isang panayam noon kay Eugene Domingo, ay sinabi nito kung ano ang kanyang ideal wedding.

“It’s a very simple, it’s very small, it’s very fast. Church wedding, yes, sa maliit na old chapel”, ang naging pahayag nga noon ng Kapuso-host actress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *