Ex Boyfriend Ni Karina Bautista Nag-Audition Sa Starstruck

Isa sa mga pinaka-kontrobersyal na palabas ngayon sa telebisyon ay ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN. Ang PBB ay isang “reality show” ng ABS-CBN kung saan may mga housemates na papasok sa bahay ni Big Brother o kung tawagin ay si “Kuya.” Sa loob ng ilang araw, may mga tasks ang mga housemates na ginagawa at iniere rin sa telebisyon ang mga nagaganap sa kanilang bahay. Maliban pa rito, pinapakita rin ng programa ang totoong mga ugali ng mga housemates.




Nitong mga nakaraang buwan, ginulantang ulit ng programang ito ang social media at ang buong sambayanan. Matatanda Ang tutok ang mga tao sa nangyayari sa mga housemates lalo na si Karina Bautista. Si Karina Bautista ay isa sa mga housemate ng PBB. Naging sentro si Karina ng usapan matapos silang magkaroon ng “something” ni Aljon Mendoza na kasama niya naman sa bahay.

Halo-halo ang reaksyon ng mga tao tungkol sa kanilang relasyon lalo pa at may boyfriend pala itong si Karina sa labas ng bahay. Ang kanyang boyfriend ay si Christian Dronio. Marami ang nakisimpatiya kay Christian na mga netizens.

Pero imbis na magmukmok, naisip ni Christian na pumasok na lang rin sa isang “reality show.” Pero hindi siya sa PBB nag-audition kundi sa katunggali nitong programa mula sa GMA Network na “Starstruck.”

Nag-viral sa social media ang mga litrato ni Christian kung saan pinakita niyang nag-audition siya sa nasabing programa. Bagama’t wala na sila ni Karina, siguro naisip ni Christian na mas maigi pang gagawin niya rin ang ginawa ni Karina at umaasang magkakaroon ng pagkakataon na makapasok sa Starstruck.

Sana’y magsilbing aral si Christian para sa lahat ng mga taong sinaktan at pinagpalit. Ang mga katulad ni Christian ay patunay lamang na kung paulit-ulit ka mang saktan ng mga tao, kailangan mo pa ring mabuhay at bumangon. Kailangan mo ring tulungan ang sarili dahil walang ibang tutulong sa’yo kung hindi sarili mo lamang.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *