Ex-Girlfriend Ng OPM Singer Jovit Baldivino Na Si Shara Chavez Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media

Madalas nating napapansin sa mga kababaihan na dumaraan sa pagkabigo sa pag-ibig ay nagkakaroon ang mga ito ng transformation sa kanilang mga sarili, kung saan ay mas mapapansin natin ang pagiging blooming ng mga ito.



Marahil ay dahil sa natutunan nila sa kanyang pinagdaanan na mas kailangan nilang mahalin at bigyang prayoridad ang kanilang mga sarili kaysa sa mga taong hindi naman karapat-dapat sa oras at panahon nila.
Image Credit via Google
Kagaya na lamang nga ng dating karelasyon at nobya ng OPM singer na si Jovit Baldivino na si Shara Chavez, kung saan ay ginulat ng dalaga ang marami niyang mga followers sa Instagram dahil sa malaking improvement niya sa kanyang sarili, lalo na ang pagiging blooming niya ngayon.
Image Credit via Google
Matatandaan na dalawang taon na ang nakaraan, ng maging usap-usapan at naging kontrobersyal ang personal na buhay ni Shara Chavez, ito ay matapos niyang ibahagi sa kanyang social media account ang isang screenshot ng dating karelasyon niya na si Jovit Baldivino, na may kasamang ibang babae sa isang live video.
Image Credit via Google
Ibinahagi rin noon ni Shara, kung ano ang tunay na ugali mayroon ang dating nobyo at kung paano siya nito tratuhin at ang kanilang anak.
Image Credit via Google
Batid ng marami sa atin, na maraming mga pinagdaanang sakit at sama ng loob si Shara noon sa dating nobyo na si Jovit Baldivino, kung saan kahit pa nga ba isang sikat at popular na mang-aawit ito ay mas pinili na lamang ni Shara na maging isang single parent, upang hindi na makaranas pa ng sama ng loob na ibinibigay ng dating nobyo.
Image Credit via Google
Kaysa nga naman magmukmok at umiyak na lamang sa lahat ng sakit at sama ng loob na dulot ng kabiguan sa pag-ibig, ay mas binigyan ng pansin ni Shara na tumayo mag-isa at maging matapang sa pagharap sa buhay para sa kanyang anak.
Image Credit via Google
Makalipas nga ang dalawang taon, mula ng maging kontrobersyal si Shara dahil sa kanyang pinagdaanang kabiguan sa pag-ibig sa dating karelasyon na si Jovit Baldivino, ay makikita sa dalaga ngayon ang malaking pagbabago sa kanyang sarili.
Image Credit via Google
Makikita nga sa mga larawan ngayon ni Shara, na mas lalo pang gumanda ito ngayon at naging blooming, sa kabila ng pagkakaroon na nito ng isang anak. Kung noon ay marami ang nagsasabi na hawig siya kay Judy Ann Santos, ngayon na mas fresh at blooming siyang muli, ay mas naging hawig na niya ang teen actress na si Kathryn Bernardo.
Image Credit via Google
Masasabi nga natin, na sa awra ngayon ni Shara, ay tila lubusan na itong nakapag move-on sa dating relasyon, at masaya na sa kung ano ang buhay na meron siya ngayon.
Ayon naman sa ilang mga source, ay mayroon na rin umanong bagong pag-ibig si Shara, at sa katunayan ay engage na umano ito. Samantala ang dati namang karelasyon ni Shara na si Jovit Baldivino, ay patuloy pa rin ang karera bilang isang singer ng Channel 2, sa kabila ng bihira nitong paglabas na sa telebisyon.



Marami namang mga kababaihan ang na-inspire at naka-relate ka Sahara, lalo na sa kung paano ito hinarap ang buhay sa kabila ng pagiging isang single parent at pagkabigo sa pag-ibig dahil sa naging panloloko sa kanya noon ng kanyang dating nobyo.
Sa kabila naman ng masaya ng pamumuhay ng kanya-kanya nina Shara at Jovit ngayon, ang pinakamahalaga pa rin sa lahat, ay ang magiging pagpapalaki at pag-gabay nila sa kanilang anak sa abot ng kanilang makakaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *