Ex-PBB Housemate Na Si Patrick Sugui Nag-Propose Na Sa Kanyang Girlfriend Na Si Aerial Garcia

Ang nasabing wedding proposal ni Patrick ay nangyari, noon pa nga ngang Lunes ng gabi, ika-28 ng Disyembre 2020. Kung saan kinabukasan nga nito, ay agad ding ibinahagi ng binata sa kanyang social media account, ang larawan ni Aerial, kung saan makikita na may suot-suot na itong engagement ring sa kanyang daliri.




“I’ll love you forever, that’s all I’ll do”, ang nilakip ngang caption ni Patrick sa nasabing larawan Samantala, makikita naman sa social media account ni Arial ang naging pagbabahagi ng dalaga ng video na kuha sa naging napaka-romantic na wedding proposal ni Patrick sa kanya.

Photo Credit: aeriel/Instagram

Makikita nga sa naturang video, na pinuno ni Patrick ng napakaraming flower petals at mga candles ang sahig ng tahanan, kung saan nangyari ang proposal.

Photo Credit: aeriel/Instagram

Bago pa nga sambitin ang kanyang wedding proposal para sa kasintahan, ay may short speech muna si Patrick, kung saan ay sinabi niya na noong una pa lamang, bago pa niya pinasok ang relasyon nil ani Aerial, ay nakatatak na sa kanyang puso’t isipan na ito na nga ang babaeng nanaisin niyang makasama habang buhay.

Photo Credit: aeriel/Instagram

“And today I wanna fulfill that promise. I love you. I want to spend the rest of my life with you. Will you marry me?” dugtong ni Patrick sa kanyang speech.

Photo Credit: aeriel/Instagram

Hindi naman napigilan ni Aerial ang maiyak sa sobrang kaligayahan at kaba na kanyang nararamdaman. Ngunit hindi naman niya binigo ang nobyo, dahil ang tanong nito, ay agad niyang binigyang kasagutan.

Photo Credit: aeriel/Instagram

“Yes, babe”, ang naging sagot ni Aerial, bilang pag-sang ayon sa alok na kasal ni Patrick.
Kalakip nga ng video na ito na ibinahagi ni Aerial, ay ang kanyang caption na;
“I’m so glad you found me in time “You brought a lot of sunshine into my life
“You filled me with happiness.

Photo Credit: aeriel/Instagram

“You gave me more joy than I could ever dream of “And no one, no one can take your place.”
Sina Patrick at Aerial ay dalawang taon ng magkasintahan, at ang kanilang ikalawang anibersaryo ay ipinagdiwang nila noon lamang ika-6 ng Nobyembre ng nakaraang taon.

Dumagsa naman sa comment boxang congratulatory message para sa magkasintahan, kung saan ay marami sa mga ito ay mula sa kani-kanilang mga kaibigan sa showbiz.

Una nga sa mga kaibigan nina Patrick at Aerial sa showbiz, na bumati sa kanila, ay ang Kapamilya actress na si Katryn Bernardo, at ang komento nga nito, ay handa na siya at iba pa nilang mga kaibigang babae na maging “flower girl”, para sa nalalapit na kasal ng newly engaged couple.

Kabarkada ng magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sina Patrick at Aerial, kaya naman talagang malapit sila dito.

“LOVE YOU GUYS!!!, ang naging dagdag na mensahe pa nga ni Kathryn.
Ayon naman sa Kapuso actress na si Gabbi Garcia, na malapit din sa newly engaged couple, ay naiyak siya sa sobrang kaligayahan.

“NAIIYAK AKOOOOO ANG SAYA SAYA KO FOR BOTH OF YOU!!!!! [heart emoji] Congrats Pat and Ae!!! [heart emoji] Maging ang mga aktres na sina Heaven Peralejo, Kate Valdez at Jane Oineza, ay kinilig sa proposal ni Patrick.

Sina Jairus Aquino, Barbie Imperial at Donnaly Bartolome naman, ay nag-iwan din ng kanilang congratulatory message para sa magkasintahan. Makikita rin ang naging komento ng aktres na si Jane De Leon, masayang masaya para sa dalawa, at tinawag pa nga nitong ‘bunso ko’ si Aerial.




“Bunso ko engaged na! Happy for you! [crying emoji, heart emoji] CONGRATS!!!!
Si Patrick Sigui, ay dating housemate’s ng Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010. Siya ay napanood na rin natin sa mga Kapamilya teleserye tulad ng 24/7, FPJ’s Ang Probinsyano at Princess and I. Nagkaroon din siya ng mga supporting roles noon sa pelikulang I’m Ellenya L. at Last Night.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *