Ex-PBB Housemates Joj Agpangan Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Lalaking Bumihag Sa Kanyang Puso

Si Joj Agpangan ay nakilala ng publiko ng siya ay mapabilang sa mga naging housemate’s ng Bahay ni Kuya o Pinoy Big Brother house, kung saan ay kasabay niyang pumasok rito ang kanyang kakambal na sina Jai Agpangan.



Dahil sa sila ay kambal na housemates mula sa Bacolod, ay tinagurian silang “Ang Double Bida ng Bacolod” ng PBB, at matapos nga ng naging paglabas nila sa Bahay ni Kuya, ay nagkaroon rin sila ng proyekto sa telebisyon, katulad na lamang nga ng mapabilang sila sa seryeng ‘Forevermore” na pinagbibidahan ng tambalang ‘LizQuen’.
Photo Credit: jojagpangan/Instagram
Samantala, kapansin-pansin naman ngayon ang pagiging blooming ng isa sa kambal na si Joj Agpangan, ito ay dahil sa pagiging masaya ng buhay pag-ibig nito ngayon.
Marami sa mga netizens ngayon ang kinilig, ng ibahagi ni Joj sa kanyang Instagram account, ang larawan niya kasama ang kanyang nobyo ngayon.
Photo Credit: jojagpangan/Instagram
Nito ngang ika-30 ng Agosto 2020, ay nasilayan na ng publiko sa unang pagkakataon, ang lalaking nagpapa-blooming ngayon kay Joj Agpangan. Ito ay matapos ibahagi ni Joj, sa kanyang Instagram ang ilan sa mga sweet photos nila ng kanyang BF.
Photo Credit: jojagpangan/Instagram
Isa sa mga nakakakilig na larawan ng magkasintahan, ay ang larawan kung saan ay makikita na sweet na nakayakap si Joj sa nobyo nito, habang magkasama silang nag-eenjoy sa pag tampisaw sa swimming pool ng isang resort.
Photo Credit: jojagpangan/Instagram
Kalakip ng larawan na ito ay ang caption ni Joj na “Keepin it simple.” Ayon naman sa ilang mga ulat, ay isang Optometrist ang nobyo ni Joj na kinilala ng si “Ice”, ito ay dahil sa makikita sa bio ng social media account nito ang mga letrang ‘O.D’.
Photo Credit: jojagpangan/Instagram
Makikita rin sa Instagram ni Joj, ang naging pagbabahagi niya ng isang video clips, ng ilang mga larawan nila ng kasintahan , kung saan ang ilan sa mga ito ay kuha mula sa kanilang mga naging bakasyon.
Photo Credit: jojagpangan/Instagram



Dahil nga sa talagang nakakakilig ang ka-sweetan ng dalawa, ay marami ang nagbigay ng kani-kanilang mga komento sa mga larawan na ito ng magkasintahan.
“Ay winner!”, ang naging komento ng dating PBB housemate rin na si Fifth Solomon.
Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens;
Photo Credit: jojagpangan/Instagram
“Wow nama nnnn!.” “IM SO HAPPY” “Ang tamis” “At tumigil ang mundo”
“So sweet. Stay strong sa inyo Manang Joj. We’ll be waiting for Manang Jai’s partner soon hehehe.’ “Ar Uuuyyy lumalove life!!!!!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *