Ex-PBB Housemates Na Si Fourth Solomon Ikinasal Na Sa Kanyang Longtime Girlfriend

Natatandaan nyo pa ba ang kambal na naging housemate’s noon ng Pinoy Big Brother, na sina Fourth Solomon at Fifth Solomon? Ilang taon na nga rin ang lumipas ng sila ay maging bahagi ng tinaguriang “Bahay ni Kuya” o Pinoy Big Brother House.



Matagal na rin na wala tayong naging balita sa kung ano na buhay nila ngayon. Ngunit nitong nakaraan lamang ay ginulat tayo ng isa sa mga kambal na si Fourth, ng ibahagi niya sa kanyang social media account na siya ay nagpakasal na.
Photo Credit: fourthsolomon/Instagram
Ikinasal na nga si Fourth Solomon, at ang maswerteng babae na kanyang iniharap sa altar ay walang iba kung hindi si Grizelle Anne Gratela, ang kanyang longtime girlfriend.
Photo Credit: fourthsolomon/Instagram
Matatandaan na noong buwan ng Disyembre lamang noong nakaraang taon nag-propose si Fourth kay Grizelle, kung saan ay agad itong sumagot ng “Yes”. Ang naging proposal ni Fourth, ay naganap sa classic view ng Golden Gate View Point sa San Francisco, USA.
Photo Credit: fourthsolomon/Instagram
Ang naging kasal ni Fourth at Grizelle, ay naganap dito lamang ika-27 ng Agosto 2020, sa isang simpleng civil wedding ceremony sa Las Casas Filipina de Acuzar, Quezon City.
Photo Credit: fourthsolomon/Instagram
Sa kanya ngang Instagram account, ay ibinahagi ni Fourth ang mga larawan na kuha sa kanilang kasal, kung saan ay makikita sa kanya ang lubos niyang kaligayan dahil sa wakas ay makakasama na niya habang-buhay si Grizelle.
Photo Credit: fourthsolomon/Instagram
Para nga kay Fourth simple man ang naging pagpapakasal nila ni Grizelle ay napaka-memorable naman nito. “Simple and Memorable. Officially my wifey @grizellagratela,” ang naging caption ng dating PBB housemates sa mga larawan ng kanilang kasal na kanyang ibinahagi.
Photo Credit: fourthsolomon/Instagram
Samantala, bago pa nga ang naging araw ng kasal nina Fourth at Grizelle, ay nagdiwang muna ang dalawa ng kanilang ika-9 years’ anniversary bilang magkasintahan noong ika-13 ng Agosto.
Photo Credit: fourthsolomon/Instagram
Makikita naman sa Instagram account ni Grizelle, na nagbahagi rin ito ng kanilang mga larawan sa kanilang kasal, at ikinuwento rin nga niya kung paanong ang plano nilang beach wedding na dapat ay gaganapin sa Isla ng Boracay sa Marso 2021, ay nauwi sa isang simpleng intimate wedding na mayroon lamang 30 na mga bisita.
Photo Credit: fourthsolomon/Instagram
Ayon nga kay Grizelle, dahil sa pagkakaroon ng krisis ngayon ay mas hindi na sila makapaghintay pa ni Fourth na maikasal sa isa’t isa, kaya agad nilang plinano ang isang simpleng kasal.



Ang twin brother naman ni Fourth, na si Fifth Solomon, ay nagpa-abot ng kanyang pagbati sa kanyang Instagram account para sa masayang pagpapakasal ng kakambal at ni Grizella.
“Congrats Fourth and Zel! Mister and Misis Pagotan! Stay in love!”, ang naging pagbati nga nito.
Nagbiro pa nga si Fifth sa kanyang post, na baka siya na rin ang susunod na magpapakasal.
Ilan din sa mga artista na kaibigan ng kambal sa industriya ng showbiz, ang nagpa-abot ng pagbati para sa bagong kasal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *