Faithful Husband Ang Role Ngayon Ni Vandolph Quizon Sa Kanyang Asawang Si Jenny

Taong 90’s ng makilala at maging popular si Vandolph Quizon sa telebisyon bilang isang bibong childstar, kung saan unang nakita ang kanyang husay bilang isang bibo at komedyanteng batang artista noong taong 1992, ng lumabas siya kasama ang ama niyang si Dolphy sa ABS-CBN sitcom na Home Along Da Riles. Napabilang rin siya sa ‘Ang TV’.




Sa ngayon nga ay mayroon ng asawa’t pamilya si Vandolph Quizon, kung saan ay ibinahagi nga nito na sa tagal na ng pagsasama nila ng kanyang asawan si Jenny Quizon ay masasabi niya na clingy pa rin sila sa isa’t isa.

Photo Credit: jennquizon/Instagram

Ilang taon na nga lamang at nalalapit ng mag dalawang dekada ang pagsasama at pagmamahalan ng mag-asawa. Ang pagsasama nina Vandolph at Jenny ay biniyaan ng dalawang anak, at ito nga ay sina Vito Quizon at Gabrielle Avante.

Photo Credit: jennquizon/Instagram

Samantala, sa naging panayam ni Tito Boy Abunda kay Vandolph ay tinanong nito ang dating child star sa pagiging faithful. At ito nga ang naging kasagutan niya;
“Of course! Ako straight sa camera, of course! Kasi Kuya Boy yung pinagdaanan ko before nung bata ako, hindi ko naman sinasabing mali yung Dad ko, mali yung Mom ko, ayoko lang pagdaanan ng mga anak ko yung napagdaanan ko.

Photo Credit: jennquizon/Instagram

“Aminin na natin na broken family kami tapos I have a of brothers and sisters na buo naman kami, united naman lahat, pero what I mean, pagdating sa akin, gusto ko, ideal, gusto ko yung mga anak ko pag may problema samin ng mama nila pupunta.”

Photo Credit: jennquizon/Instagram

Sa tagal umano ng pagsasama nila ng asawang si Jenny, ay nanatiling loyal si Vandolph sa asawa, dahil sa ayaw niyang masira o magulo ng anuman ang kanyang binuong pamilya. Gusto din niyang lumaki ang kanyang mga anak sa isang buo at masayang pamilya.

Photo Credit: jennquizon/Instagram

Dagdag pa ni Vandolph, hanggang sa kanyang pagtanda ay ang asawa lamang ang nais niyang makasama niya, at manatiling buo ang pamiya niya dumating man ang araw na mawala na siya sa mundo.

Photo Credit: jennquizon/Instagram




“I always want to go old with her [Jenny], yun lang ang gusto ko ying pamilya ko buo hanggang sa tumanda ako mawala ako sa mundo.” Si Vandolph ay anak nina Dolphy at Alma Moreno,

Photo Credit: jennquizon/Instagram

na kinagiliwan noon dahil sa kanyang pagiging isang mapagmahal, cute, chubby at bibong bata. Sa ngayon ay pokus si Vandolph sa pag-work out, pagpapalaki, at pagpapalusog ng kanyang katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *