Feeling Blessed Soon To Be Mommy Aktres Na Si Assunta De Rossi Sa Edad Na 37

binalita ang kanyang Pagbubuntis sa edad na 37 Isa na nga ito sa pinaka-blessed na pangyayari sa buhay ng aktres na si Assunta De Rossi, ang maging soon-to-be-mommy.




Masayang-masaya na ibinahagi ng 37-taong gulang na aktres sa kanyang Instagram ang nakakagulat na balita, na siya ay 14-weeks pregnant na at tinawag nga niya itong “miracle baby”.

Photo Credit: assuntaledesma/Instagram

Ayon sa aktres hindi talaga siya makapaniwala na mabubuntis pa siya, dahil sa pagkakaroon niya ng myoma at endometriosis kaya naman ang pagbubuntis niyang ito ngayon ay isa talagang milagro para sa kanya.

Photo Credit: assuntaledesma/Instagram

Ibinahagi rin ng aktres na bago pa nga magkaroon ng Enhance Community Quarantine, ay lagi na lamang siyang nakahiga dahil sa hindi niya maipaliwanag na pakiramdam na kanyang nararamdaman.

Photo Credit: assuntaledesma/Instagram

Ikinuwento din nito na, halos dalawang buwan na din ng magsimula niyang maramdaman ang ilang sintomas na para nga sa isang babaeng nagdadalang-tao, tulad ng pagkapagod, pagsusuka, pagkahilo, pananakit at paglaki ng suso, at kung ano-ano pang pakiramdam.

Nagawa lamang bumisita ng aktres sa isang doctor, ng mapansin niyang delayed na siya at hindi na siya dinadatnan ng kanyang monthly period. Kaya naman sumailalim siya sa ilang mga test, upang malaman kung ano nga ba ang kanyang kundisyon.

At isang magandang balita nga ang inihayag sa kanya ng doctor, at ito ay ang kumpirmasyon na siya nga ay buntis. Hindi naman talaga makapaniwala ang aktres, kaya naman talagang pakiramdam niya ay napakablessed niya to have this “miracle baby”.

“I know, shocking! Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen.

This was a miracle!” pahayag pa nga ng aktres sa kanyang Instagram post. Labing-anim na taon na ngang kasal ang aktres sa kanyang asawa na si Jules Ledesma, kaya naman laking pasasalamat nila sa milagrong ito na pinagkalooban sila ng anak sa kabila ng pagkakaroon niya ng myoma at endometriosis.




Sa ngayon nga ay nag-uundergo ng ilang mga treatment ang aktres upang masigurado na maayos ang kanyang pagbubuntis, at syempre excited na talaga siya na maging isang mommy.

Tunay nga naman na kapag nais ng Diyos na ibigay sayo ang isang bagay, ay walang makakapigil dito tulad na lamang ng pagbubuntis na ito ni Assunta na masasabi nga nating lahat na isang siyang blessed mommy sa pagkakaroon niya ng “Miracle Baby”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *