Fishball Vendor Naglagay Ng CCTV Sa Kanyang Food Cart Para Sa Pasaway Na Mamimili

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang maging kuwela, sutil, at malikhain. Malamang ay marami sa atin ang kinalakihan na na may mga taong ganito ang pag-uugali. Minsan, sumosobra na rin ang kanyang pagiging sutil. Hindi na rin bago sa atin ang talamak na nakawan sa kahit simpleng paraan.

Marami na tayong mga bagay na nakitang patunay ng isang pagnanakaw, mula sa malaking halaga hanggang sa kakarampot na mga paninda. Kendi man ito, o pera, sadyang may mga tao talagang masusutil at malikot ang kamay.

Photo Credit: Lee Royo Mingo/GMA News | Facebook




Marahil ay may mga karanasan na rin kayo o nagawa niyo na mismo ang kumain sa isang fishball stall at kumuha ng sobra sa iyong bayad. Uso kasi sa Pilipinas ang fishball stalls na makikita natin sa mga bangketa. Ang sistema ng pagbili ng fishball ay tutusok ka lamang sa nakahaing mga fishball at pagkatapos mong kumain ay kukuwentahin mo ang mga nakain mo at saka mo babayaran. Pero dahil nga may mga tao talagang madaya sa kahit anong paraan, hindi sila nagbabayad ng tama sa kanilang mga kinuhang fishball.

Photo Credit: Lee Royo Mingo/GMA News | Facebook

At para masolusyonan ang problemang ito, naisip ng isang fishball vendor na magkabit ng kanyang CCTV camera sa kanyang fishball stall upang makita niya ang mga nagbabayad at kumukuha ng tama sa hindi. Nag-viral ngayon sa social media ang post ni Lee Royo Mingo kung saan makikita dito ang CCTV na ibinigay ng tindero ng fishball.

Ayon kay Lee, ang pagkakaroon raw ng CCTV ng fishball stall ay isang tanda raw na maraming mandadayang mamimili dahilan upang malugi ang nagtitinda. Sinabi ni Lee na may mga tao raw na kumakain sa halagang bente pesos ngunit nagbabayad ng limang piso lamang. Bagama’t nakakatawa, isa itong aral sa ating lahat sa lahat dapat ng oras ay ugaliin nating maging tapat dahil ang magnanakaw sa maliit na halaga ay magnanakaw sa malaking halaga.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *