Former Actress Beth Tamayo Ito Na Ang Buhay Ngayon Matapos Iwanan Ang Showbiz

Si Beth Tamayo, ay isa sa mga dating aktres sa showbiz na itinuturing na may magandang mukha sa industriya, nakilala din siya bilang katambal ng aktor na si Niṅo Muhlach, kung saan ay naging nobyo ni din ang nasabing aktor.




Marami ring mga Pinoy Films ang kinabibilangan ng tisay actress noon, ilan nga sa mga ito ay ang Pedrito Masangcay: Walang Bukas Iniwan noong 1994, Proboys (1995), at Anak ng Pasig noong 1993.

Photo Credit: bethtamayo21/Instagram

Kabilang din siya sa isa sa mga hit primetime teledrama ng ABS-CBN Network na “Esperanza”, na kung saan ang kanyang bestfriend na si Judy Ann Santos ang bumida rito.

Photo Credit: bethtamayo21/Instagram

Ikinasal si Beth sa isang Chinese businessman na si Johnny Wong noong 2004, at dahil sa patuloy pa rin ang kanyang pagiging isang artista kahit kasal na ay nanatili silang mag-asawa dito sa Pilipinas. ngunit matapos ang sampung taong pagsasama ng mag-asawa ay nauwi ito sa hiwalayan taong 2014.

Photo Credit: bethtamayo21/Instagram

Matatandaan naman na taong 2009 ng huling mapanood sa telebisyon si Beth Tamayo, at ito ay sa Luna Mystica, isang drama series ng GMA Network.

Photo Credit: bethtamayo21/Instagram

Matapos ngang iwanan ang industriya ng showbiz, nagdesisyon ang dating aktres na magtungo sa U.S, at doon ay naghahanap siya ng trabaho sa New York habang nakikitira sa isang kaibigan.

Photo Credit: bethtamayo21/Instagram

Base sa ilang artikulo, nagtrabaho si Beth sa isang Victoria Secret store bilang isang kahera, at nasubukan rin umano ng dating aktres ang maging isang babysitter sa isang Columbian family na may dalawang anak.

Photo Credit: bethtamayo21/Instagram

Malayo sa buhay niya bilang isang aktres sa Pilipinas, ay talagang nagpursige si Beth sa mga trabahong pinasukan niya sa ibang bansa, hanggang sa maging isa nga siyang Executive Assistant for the Government of Singapore Investment or GSI sa New York. Na-aasigned ang dating aktres sa San Francisco, kung saan siya naninirahan hanggang ngayon.

Marami rin siguro sa atin ang hindi nakaka-alam na isang marathoner si Beth Tamayo, sa katunayan ay ilang mga prestigious marathons na sa New York, Chicago, Boston, Berlin at London ang kanyanga nilahukan.




Makalipas nga ang ilang taon matapos mahiwalay sa asawa at mabigo sa buhay pag-ibig noon, ngayon naman ay masaya na muli ang puso ng aktres. Dahil siya ay engage na noon pang October 13, 2019 sa isang employee ng Google na si Adam Hutchinson.

Pinabulaanan rin ni Beth ang kumalat na usap-usapan noong 2011, na di umanoy sangkot siya sa isang gulo, at ayon nga sa kanya ay hindi siya ang Elizabeth Batian na nakulong sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *