Former Actress Na Si Niṅa Jose Nakapangasawa Pala Ng Isang Bilyonaryo

Naalala nyo pa ba ng dating aktres na si Niṅa Jose? Una siyang nakilala bilang isa sa mga housemate’s ng Pinoy Big Brother House: Teen Edition 1 ang isa sa mga naging popular na reality show ng ABS-CBN, kung saan ay kasama niya rin bilang mga housemates dito noon sina Kim Chiu at Gerald Anderson.




Matapos nga siyang ma-evict o mapalabas sa “Bahay ni Kuya”, ay nagbukas naman ang ilang mga proyekto para kay Niṅa kaya naman agad siyang tumuloy sa pag-aartista.

Image Credit via Google

Ilan nga sa mga proyekto at pelikula na ginawa ni Niṅa na napanood natin sa ating mga telebisyon ay ang Da Adventures of Pedro Penduko at My Girl, naging bahagi rin siya ng ilang pelikula tulad ng Mano po 6, Shake, Rattle and Roll X at Desperada 2.

Image Credit via Google

Sa mga proyekto at pelikulang ito ay talaga namang ipinakita ni Niṅa ang taglay niyang galing sa pag-arte, at hindi nga lamang siya hinangaan ng mga manonood sa galing niya dito dahil isa pa sa kahanga-hanga sa kanya ay ang kanyang napakaganda ng mukha at balingkinitang katawan.

Image Credit via Google

Napapansin natin na hindi na lumalabas pa si Niṅa sa telebisyon, ito ay sa kadahilanan na ang dating aktres ay nakapag-asawa na at masayang-masaya kuntento na ito sa buhay niya ngayon dahil sa isa palang bilyonaryo ang naging asawa nito.

Image Credit via Google

Ayon sa ilang artikulo ang Mister ng dating aktres ay mula sa isang mayamang pamilya sa Pampanga at ito ay si Mayor Quiambao, ang CEO ng Stradcom Corporation, kung saan ito ay itinuturing na isa sa pinakamalaking IT company sa Pilipinas.

Image Credit via Google

Bagama’t marami ang nagsasabi na malayo ang agwat ng edad ni Niṅa sa asawa nito, dahil mas matanda ito sa kanya ay hindi naman ito pinapansin ng dating aktres dahil ayon sa kanya ay masayang-masaya siya sa piling ng kanyang asawa at ito talaga ang gusto niya ang nakapangasawa ng lalaking mas mature sa kanya.




Sa ngayon ay abala si Niṅa Jose sa kanyang buhay pamilya at pagiging isang mommy na din sa kanyang tatlong taong gulang na anak na si Antonio. Chairperson rin ngayon ng Local Council of Women (LCW), ang dating aktres.

Tunay nga naman na marami na ang nagbago sa buhay ni Niṅa, mula ng iwan niya ang maingay at magulong mundo ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *