Former PBB Housemate Baninay Bautista Pinatunayan Na Love Is Sweeter In Second Time Around Dahil

Isa sa mga nakilalang housemate’s ng reality show ng AbS-CBN na Pinoy Big Brother Lucky 7 ay si Baninay Bautista, kung saan ang kanyang personalidad at taglay na pagiging ‘jolly’ o palatawa ang minahal at nagustuhan sa kanya ng maraming mga manonood ng nasabing programa.




Si Baninay ay nagmula sa isang mahirap na pamilya, kaya naman isa sa mga pangarap niya ng sumali siya sa PBB ay ang matulungan ang pamilya at maiahon ito sa kahirapan.

Photo Credit: baninaybautista/Instagram

Ngunit hind inga siya ang maswerteng nakasungkit ng titulong Big Winner, pero sa kabila naman nito ay hindi siya huminto na bigyan ng katuparan ang kanyang pangarap at nagpatuloy ngang makamit ito.

Photo Credit: baninaybautista/Instagram

Sa ngayon ay unti-unti na ngang nakakamit ni Baninay ang kanyang mga pangarap, dahil isa na siya sa mga sikat at kilalang YouTube vlogger, kung saan ay kasama niya rin sa pagba-vlog ang kanyang nobyong si Bon Bryan Oropel.

Photo Credit: baninaybautista/Instagram

Ngunit matatandaan nga na kamakailan lamang ay lumabas ang balita na ang dalawang taon ng dalawa ay natapos na, matapos nilang maghiwalay. Kaya naman talagang ikinalungkot ito ng marami nilang mga tagasubaybay.

Photo Credit: baninaybautista/Instagram

“Love na love ko siya pero darating pala kayo sa point na hindi na kayo magkakaintindihan, na hindi moa lam kung anong nangyayaring mali pero alam mong mali… Alam mong may bago. Hindi alam kong anong point sa relationship, pero alam ko na may problema na kami”, ang naging pahayag nga noon ni Baninay ng lumabas ang balitang hiwalayan nila ni Bon Bryan.

Photo Credit: baninaybautista/Instagram

Sa kabila nito, marami pa rin nga ang naniniwala at nagsasabi na mas nagiging matamis ang pag-ibig sa ikalawang pagkakataon nito o “Love is Sweeter in Second Time Around”, kung saan ito nga ang pinatunayan ni Baninay matapos nilang magkaayos muli ng kanyang nobyo.

Photo Credit: baninaybautista/Instagram

Makikita sa latest post nina Baninay at Bon Bryan sa kani-kanilang Instgaram account ang naging pagbabahagi nila na silang dalawa ay nagka-ayos na at nagbalikan na nga. Kitang-kita nga naman sa mga larawan na ibinahagi ng dalawa na masaya nilang ipinagdiwang ang kanilang anniversary.

Photo Credit: baninaybautista/Instagram

“What did I do to deserve you?😢❤️ … Grabe ka talaga Master Hokage!!! Iba ka talaga mag-surprise! Happy anniversary sa atin. love na love kita!!!! Yung akala ko sobra sobrang bongga na, pero may ibobongga pa pala!!!

Hindi ko inaasahan na sa tanang buhay ko ma-e-experience ko yung pa-fireworks!😘 OMG!!!”, ani ng ani Baninay sa kanyang IG post matapos siyang sorpresahin ni Bon Bryan sa anniversary nila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BANINAY (@baninaybautista)

Hindi nga naman maitago ni Baninay ang kilig na kanyang nadarama dahil sa bonggang sorpresa sa kanya ng boyfriend niya. Matapos nga ang dumaang pagsubok sa magkasintahan, ay tila mas naging matatag pa ang mga ito, na kung ano pa man ngang problema ang dumaan sa kanilang relasyon ay siguradong mas kakayanin at malalampasan nila.




Kahit pa nga napakarami pa ring intriga na ibinabato sa kanilang relasyon, ay pinatunayan naman nina Baninay at Bon Bryan na mas matimbang at matatag ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Ikinatuwa naman ng kanilang mga tagahanga na malaman na ang hinahangaan nilang couple ay nagkabalikan na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *