Francine Diaz Ibinahagi Ang Kanyang Naggagandahang Mga Larawan Na Nag Pamangha Sa Mga Netizens

Araw-araw nga naman sa ating buhay ay nakakatanggap tayo ng mga biyaya, at kauna-unahan na nga sa mga ito ay ang buhay na patuloy nating tinatamasa. Hindi nga lamang mga materyal na bagay na ating natatanggap sa buhay ang dapat nating ipagpasalamat, kundi mas lalo ang mga simpleng bagay lalo nag a ang pagpapala pagdating sa ating kalusugan ngayong panahon ng krisis.




Kaya naman ang aktres na si Fracine Diaz ay labis ang pasasalamat para sa lahat ng bagay na kanyang tinatamasa ngayon sa kanyang buhay. Simple o malaking bagay man ito, ay talaga namang para sa batang aktres ay isa itong pagpapala.

Photo Credit: francinesdiaz/Instagram

Si Francine ay isa sa ma tinitingalang aktres ngayon sa mundo ng showbiz, dahil sa kanyang angking husay sa pag-arte, idagdag pa ang nakapakaganda at napakaamo niyang mukha na hinahangaan ng marami.

Photo Credit: francinesdiaz/Instagram

Sa kanyang Instagram account nito lamang nakaraan ay nagbahagi si Francine ng kanyang mga larawan, kung saan ay makikita ang kanyang napakagandang mukha. Kalakip nga nito ay ang caption niya na, “A lovely day”.

Photo Credit: francinesdiaz/Instagram

Nagsimula ang magandang karera ng aktres na si Francine Diaz ng mapabilang siya sa main cast ng “Kadeanang Ginto”, isa sa mga naging hit series ng Kapamilya network noon, kung saan ay gumanap siya bilang si Cassandra “Cassie” Mondragon. Kasama niya sa seryeng ito ang “The Gold Squas”, na kinabibilangan nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at ng kanyang ka-loveteam na si Kyle Echarri.

Photo Credit: francinesdiaz/Instagram

Matatandaan na talaga namang inabangan ng napakaraming mga manonood ang serye nilang ito, lalo na nga’t bawat eksena at talaga namang kapana-panabik. Dahil sa naging mainit ang pagtanggap ng mga manood sa nasabing serye ay tumagal ito ng 3 season at nagkaroon nga ng 283 episodes.

Photo Credit: francinesdiaz/Instagram

Kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang na ni Francine ang kanyang ika-17 taong kaarawan at siya ay nakatanggap ng sorpresa mula sa kanyang mga fans. Malaki nga ang pasasalamat ng aktres dahil kahit bata pa lamang siya ay damang-dama na niya na marami ang nagmamahal sa kanya, at sumusuporta lalo na at nakikita ng mga ito ang kanyang talento.




Sa ngayon ay isa si Francine sa mga Kapamilya actress na nag-renew ng kanyang kontrata sa ABS-CBN , kung saan ay mayroon nga siyang bagong pinagbibidahang proyekto at ito nga ay ang primetime series na “Huwag Kang Mangamba.” Kasama niya rin sa proyektong ito ang kanyang “Gold Squad”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *