Francine Diaz Ibinahagi Ang Naranasang Hirap Ng Kanilang Pamilya Noong Panahong Hindi Pa Artista

Hindi nga naman lahat ng mga sikat, popular at matagumpay na artista ngayon sa mundo ng showbiz ay ipinanganak ng may magandang buhay, dahil marami sa kanila ay lumaki sa kahirapan at namuhay ng simple bago nga nila tamasain ang maganda at masaganang buhay na mayroon sila ngayon.




Katulad na lamang ng teen actress na si Francine Diaz. Si Francine ay kilala ng publiko bilang isa sa mga pinakamakinang na bituin ngayon sa mundo ng showbiz. Ang naging big break niya ay ng gampanan niya ang karakter ni Cassie o Cassandra Mondragon sa Kapamilya hit series noon na Kadenang Ginto. Dahil nga sa ipinamalas niyang husay at galing sa pag-arte, ay dito na nagsimula na bumuhos pa ang sunod-sunod na magagandang proyekto para sa kanya, dahilan para mas gumanda pa nga ang takbo ng kanyang karera.

Image Credit via Google

Samantala, tulad nga ng ibang mga personalidad sa showbiz ay naranasan muna nga ni Francine ang kahirapan ng buhay bago niya tamasain at ng kanyang pamilya ang magandang buhay nila noon. Ayon nga sa aktres, sangkatutak na oagsubok at hirap ang pinagdaanan nila ng kayang pamilya noon, dahil nga sa kahirapan.

Image Credit via Google

Kuwento nga ni Francine, noon ay wala silang sariling tahanan at nagungupahan lamang sila. Madalas nga umano silang hindi nakakapagbayad ng renta, dahilan para palayasin sila sa kanilang inuupahan. May mga pagkakataon din na napuputulan sila ng tubig at kuryente.

Image Credit via Google

Dagdag pa niya, nagkandabaon-baon din sa utang ang kanyang mga magulang noon dahil nga sa mga gastusin at pangangailangan nilang magpamilya kaya naman talagang hirap din sila noon at ang tanging nais nga niya ay ang matulungan ang kanyang mga magulang.

Image Credit via Google

‘Nalubog kami nu’n sa utang, palagi kaming napuputulan ng tubig. Tapos nakailang lipat din po kami kasi napapalayas. Pero hindi naman po yung pinapalayas na pinapalabas kami bigla ng bahay. Kumbaga, pinapaalis kami kasi hindi na talaga bayaran ‘yung renta”, kuwento ni Francine.

Image Credit via Google

“Nung time na ‘yun naisip ko kailangan ko ng trabaho, kailangan kong matulungan sina mama. Dati ko pa talaga gusto mag-artista” dagdag na saad pa ng teen actress. Unang nabigyan ng pagkakataon si Francine na mapakita ang kanyang talento ng siya ay maging extra sa isang TV commercial ng AVP para sa kompanya ng isang kotse, ng mga panahon na ‘yon ay labing-apat na taong gulang siya. Pag-amin pa nga ng aktres, bata pa lamang siya ay talagang pangarap na niya ang maging isang artista.




Sa kasalukuyan nga ay isa si Francine sa pinakamatagumpay na aktres na aktres ngayon, at dahil nga sa magandang takbo ng kanyang karera lahat nga ng kanyang hangad para sa kanyang pamilya ay nabibigyan na niya ng katuparan tulad na nga lamang ng pagkakaroon na nila ng sarili nilang tahanan. Hinahangaan naman ng marami si Francine dahil kahit na napakasikat na niya, ay nanatili siyang humble sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *