Francine Diaz Nagbahagi Ng Larawan Kasama Kaibigang Singer Na Si Jayda Avanzado Para Sa Isang Music Video

Si Jayda Avanzado ay isa sa mga kilalang napakahusay na young singer ngayon. Kamakailan nga lamang ay ipinakita niya ang kanyang latest music video na “MU (Malabong Usapan)” ng i-launch niya ang kanyang Rise Artist Studio.




Siya mismo ang nagsulat at nag-prodyus ng nasabing awiti. At maging sa naging music video nga na ito ay siya din ang nag-direk. Sa ginawa nga niyang music video ay nakasama niya ang kanyang celebrity bestfriend na si Francine Diaz.

Photo Credit: jayda/Instagram

Ayon kay Jayda, ang konsepto ng music video ng awitin niyang “MU” ay mula sa pagpapalitan nila ng mga ideya ng kaibigan niyang si Francine Diaz.
“Nabuo talaga yung konsepto ng MU galing sa isang conversation between me and Francine Diaz na friend ko.

Photo Credit: jayda/Instagram

Nagbibiruan kami sa mga gusto namin at yung mga ayaw namin sa relasyon. Parang nagjo-joke ako, kasi yung M.U dito sa Pilipinas it means mutual understanding”, ang naging saad ni Jayda.

Photo Credit: jayda/Instagram

Dagdag na saad pa ni Jayda na para sa kanya, ang MU ay Malabong Usapan yan, kung saan dito na nga umano siya nagkaroon ng ideya kung paanong sisimulan at tatapusin ang kanyang awitin hanggang sa nakagawa pa sila ng kaibigan ng music video nito.

Photo Credit: jayda/Instagram

“Pero sabi ko sa kanya yang MU na yan malabong usapan yan kaya bigla nagkaroon na ako ng lightbulb moment and that’s what really motivated me to write this song. Tapos medyo inupuan ko muna yung idea, and then I ended up finishing it with a full track and here we are today. The rest is history.”

Photo Credit: jayda/Instagram

Ibinahagi rin ng young singer kung ano ang konsepto ng awitin niyang “MU (Malabong Usapan)”, kung saan ayon sa kanya, ito ay patungkol sa karaniwang babae na nalilito sa lebel ng relasyon.

“Nagsimula yun kasi ganun talaga kami mag-usap. Alam mo naman kaming mga babae. It’s a girl talk and siguro ganun kami ni Francine na I would say na we can talk about everything.
“Pati yung mga seryoso na matter na mga ganyan, alam namin ang gusto namin. And na-realize naming bilang magkaibigan we’re always looking out for each other. Alam namin yung mga sarili namin.”

Para nga kay Jayda ay si Francine ang itinuturing niyang closest friends niya sa showbiz.
“Siguro bilang magkaibigan we make sure to look out for one another and make sure we make the best decisions.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)

Ikinuwento din ni Jayda kung paanong nagsimula ang magandang pagkakaibigan nila ng Kapamilya star na si Francine Diaz. Kung saan ayon sa young singer nagsimula ang kanilang pagkakaibigan ng magkasama sila sa isang flight mula San Francisco.




Nang panahon umano na iyon ay mula si Francine sa ASAP Bay Area, at nagkatabi nga umano silang dalawa sa plane, hanggang sa magka-chat na sila at naging super close na.

Mas naging malapit pa nga sila sa isa’t isa ni Francine ng magkaroon umano ng quarantine. at para kay Jayda, ay hindi lang kaibigan si Francine, kundi parang kapatid na rin niya ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *