Francine Garcia Ng Kadenang Ginto Tinulungan Ni Melai Ng Muntik Na Silang Mapalayas Sa Kanilang Tinutuluyang Bahay

Hindi lahat ng artista ay ipinanganak na na artista. May mga artistang kinakailangan pang tikman ang hirap ng buhay bago pa man sila sumikat. Kung tutuusin, suwerte ang mga anak ng artista dahil madali na lamang silang makakapasok sa loob ng showbiz industry. Malaking bagay rin naman ang mga karanasan ng mga artistang galing sa hirap dahil mas ramdam ng mga tao ang kanilang pag-arte ang kanilang pagpapakumbaba kahit na sila’y artista na.

Photo Credit: Youtube/Magandang buhay




At ito na nga siguro ang naranasan ng batang artistang si Francine Diaz na kasalukuyang gumanap bilang isa sa mga bida ng karakter ng programang Kadenang Ginto na si Cassie Mondragon. Lingid sa kaalaman ng lahat, bago pa man sumikat si Francine ay nakaranas na ito ng hirap ng buhay at sa katunayan, sa sobrang hirap raw ng buhay nila noon, kailangan pa nilang humingi ng tulong sa kanyang kapwa artista upang may mai pangbayad man lang sa upa ng kanilang bahay noon.

Photo Credit: Youtube/Magandang buhay

Ang tumulong sa kanilang artista ay isang kapwa laki sa hirap rin na sumikat dahil sa Pinoy Big Brother at sa kaniyang angking katatawanan. Binunyag ni Francine na noong muntik na silang mapalayas sa kanilang bahay ay si Melai Francisco ang tumulong sa kanila para makabayad dito. Ayon kay Francine, nakaayos na raw ang kanilang mga gamit at nakalagay na sa kahon. Bagama’t wala pa silang lilipatan noon, kailangan nilang umalis bago pa sila tuluyang mapalayas ng may-ari.

Photo Credit: Youtube/Magandang buhay

Mabuti na lamang at nagpahiram si Melai sa kanila dahilan upang makabayad sila sa kanilang renta, tubig, at ilaw. Malaki ang pasasalamat ni Francine kay Melai dahil kung hindi raw sa kanya ay malamang ay napalayas na raw sila doon sa kanilang tinitirhan.
Kakaunti na lamang ang mga ganitong tao lalong-lalo na ang mga artista. Maaari nating sabihin na kaya nagawa ni Melai ito ay dahil nararamdaman niya na rin ang kahirapan noon bago pa siya maging artista.

Video Credit: Youtube/Magandang buhay




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *